UMABOT pala ng P12M ang nagagastos ni Joel Cruz kapag gusto nitong magka-baby via In Vitro Fertilization (IVF).
Nakausap namin si Joel na kararating lang mula sa Russia para i-welcome sana ang pangatlong twins niya.
Akala niya kasi eh May 10 ang schedule ng panganganak ng surrogate mother, pero medyo natagalan kaya bumalik na siya ng bansa nu’ng May 20.
Umalis lang siya, saka naman nanganak ang surrogate mother nu’ng May 24.
Bale pangatlong set of twins na itong anak ni Joel.
Ang una, isang boy at isang girl na pinangalanan niyang sina Prince Sean at Princess Synne.
Sa pangalawa niyang kambal, ay dalawang lalaki na pinangalan niyang sina Prince Harry at Prince Harvey.
Itong huling kambal ay isang boy na si Charles at isang girl na si Charlotte.
Kuwento sa amin ni Joel tungkol sa nagagastos niya kapag gusto nitong magka-baby, “Sa akin, kung isasama ko pati pamasahe ko, umabot kami ng P12M.
“Pati na dun ‘yung airfare, ‘yung hotel ko. Ang interpreter namin du’n, per hour. Lawyer, per hour.
“Iyung nag-ayos ng documents du’n, Russian passport nila, ‘yung birth certificate, Ministry of Foreign Affiars, sa justice.”
Pagdating sa surrogate mother, ang law firm daw na kausap niya na nag-aayos nito, pati ang bayad sa surrogate mother.
Gustong linawin ni Joel na pareho ang ina ng tatlong kambal niya.
‘Yung unang kambal ay mismong ang surrogate mother na si Lilia ang nagdala ng baby.
Pero sa pangalawa at pangatlong kambal, ‘yung eggs na lang nitong si Lilia ang ginamit at ipinabuntis na lang ito sa ibang surrogate mother.
Tiniyak ni Joel na kanya talaga ‘yung punla, at pinaghandaan niya ito nang husto.
Kaya dugo niya itong mga anak niya na idinaan lang sa modern technology.
May mga punang nakakarating kay Joel dahil hindi raw tanggap ng simbahan ang ganitong proseso para magka-baby.
Sabi naman ni Joel, “Ako kasi, I’m 100% Roman Catholic. Sobrang relihiyoso ako.
“Ako naman, gusto ko naman talaga magkaroon ng anak na binigay naman.
“I believe na binigay sa akin ito ng Diyos ang anak na ‘to.
“In fact, ang daming pari na kaibigan ko na nagbibigay sa akin ng prayers.
“Siguro, kung sa Bibliya, du’n ako nagkaroon ng kasalanan dahil hindi ko sinunod yung Bibliya.
“Pero ‘yung mga alagad ng simbahan like ‘yung mga pari, they offered a prayer for me.
“Kaya medyo naguguluhan din ako dahil kung iyun pala ang alam ng mga pari, sana hindi nila ako pinagdasal, sinabihan nila ako na mali ‘yan.”
Hindi siya nakukunsensya kung mali sa simbahan itong ginagawa.
Basta natitiyak daw niyang wala siyang ginagawang masama sa kapwa, dahil ang tanging hangad lang niya ay makatulong, at magpalaki ng mga mababait at masunuring mga bata.
“Kasi ako bilang tao, nai-enjoy ko ‘yung buhay ko dito sa mundo.
“Kaya nga nilikha tayo ng Diyos na may purpose tayo dito sa mundo, tumutulong tayo sa kapwa natin, hindi tayo gumagawa ng masama.
“Kung ganun ‘yung purpose sa anak ko rin, palalakihin ko rin sila ng ganun… Mabuti ‘yun sa mata ng Diyos para sa akin.
“Kaya sa paraan na pagkagawa ng bata ay mali, pero habang nabubuhay sila dito sa mundong nilikha ng Panginoon, unang-una, kailangan they have to live a Catholic lifestyle na maka-Diyos sila, huwag gumawa ng kasalanan sa kapwa.
“Para sa akin, kahit siguro may mali akong ginawa against sa Bibliya, pero hindi ako nakukunsensya dahil itong ginagawa ko, pinagdasal ko at alam kong sinagot ako ng Panginoon dito, at Siya ang nagbigay sa akin ng mga anak ko, kaya hindi ako nagi-guilty.
“At the same time, they will live dito sa mundo na tutulong din sa kapwa Filipinos,” seryosong pahayag ni Joel Cruz.
After a month ay susunduin na ni Joel sa Russia ang huling kambal niya at baka isasama rito sa Pilipinas si Lilia na surrogate mother ng mga anak niya.
kahit ilang anak pa yan, sa tingin mo kaya lalaki sila na mga normal…doon mo lang malalaman ang epekto sakaling magsilaki na sila, at alamin ang pinagmulan nila…mga batang tulad sa Alien…hahahaahah….buti pa nga ang mga hayop dumaan sa tamang proseso ang paglabas nila sa mundo…hahahaahahha
K yan Joel. Kesa s Lalaki m gastusin Pera m E d s mga junakis m n lng n magaganda ang lahi