Sa Miss Q and A segment ng It’s Showtime, laugh out loud with matching hoot, hoot ang live TV audiences kasi nga si Vice Ganda, may very provocative question.
Ang tanong, ‘Kung sinasabing ang GMA ay ‘Where you belong,’ ba’t sila naglilipatan?’
Sure naman tayo na “charot” at “joke, joke, joke” ang tanong at kaya mas naging kaloka ang query, dalawa sa mga hurado ay dating mga Kapuso, si Karylle, na alam naman nating nag-volt sa ka-Siyete matapos ang break up niya at si Bella Padilla, na in fairness to the where you belong network, high profile naman talaga ang mga proyektong ibinigay sa aktres.
Kaya lang, may kung anong kulang sa kanya ang masa, tila hirap siyang tanggapin at yakapin hanggang sa dumating ang pagkakataong maging asawa siya ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsiyano.
Walang halong kiyeme latik, her stock rose, nadagdagan ang perceived estrella powers at ngayon nga, major player na si Padilla sa aktres category at ang mga concepts niya made ito movies, pinapanood.
Kung ang tanong na ito kaya ang itatanong as the final question sa Binibining Pilipinas, Ms. World Philippines, Ms. Earth Philippines at kung ano-ano pang major, minor and barangay level beauty pageants, ang mga kandidata, paano kaya nila sasagutin ang wonderful question na ito?
At ang mga taga-GMA Artist Center na minsan ay nangalaga sa karera of their former stars na ngayon ay ka-Dos na, kaya ba nilang sagutin ang tanong ni Jose Marie?
More hits than miss ang mga Kapusong naging Kapamilya na. Some of the examples of the hits ay sina Anne Curtis, Sarah Geronimo, Angel Locsin, Cristine Reyes, Iza Calzado, Paulo Avelino at Jake Cuenca.
Isama na natin ang dating Pinoy Pop Superstar grand victor na si Jonalyn Viray, nung naging Jona, kumukuti-kutitap ang pagiging one of the biriteras sa ka-Dos.
Ang mga misses, si Polo Ravales, Maxene Magalona, Elmo Magalona, at dahil nga misses sila, hindi ko na ma-recall kung sino-sino pa.
In time, malalaman natin kung ano pa ang pwedeng gawin nila kay Richard Gutierrez, matapos itong maging supremo sa La Luna Sangre, kay Enzo Pineda na nagka-evening at afternoon prime time na at kay Aljur Abrenica na hubad barong mangangabayo sa Coco Martin action drama serye.
Ano nga kaya ang damdamin ng mga ka-Siyete ‘pag bumongga ang karera of their former talents, lalo na yung talagang ginawa nilang major, major stars, specifically Locsin, Gutierrez, Calzado and Abrenica sa kalabang istasyon?
Kung paninilay-nilayan ba nila ang tanong ni Ganda, may maganda kaya silang magiging sagot? May hakbang kaya silang gagawin para patunayan sa lahat na alam pa rin nila ang business of making stars?
Ang latest Kapamilya acquisition nila ay si Diether Ocampo na talaga namang naghari sa ka-Dos. Bilang Kapuso, will Diet finally reclaim his career? With his good looks still intact, kaya ba nilang ipantapat si Ocampo kay Ian Veneracion? Walang leading man ang ka-Siyete na ka-idaran ni Veneracion, si Diet nga kaya ang pwedeng maging Mr. Mature at Mr. Oh So Ripe na Masarap?
Kung saka-sakaling isasabong nga nila si Ocampo, sino ang ka-level ni Jodi Sta. Maria at Bea Alonzo sa GMA 7, meron ba? Thinking out loud, parang si Carla Abellana, pwedeng maging kapareha ni Diet in an adult, romantic drama. Hindi ba nag-click dati si Abellana with Boss Yummy, Gabby Concepcion,?
Kay Vice Ganda at sa mga writers ng Ms. Q and A, more provocative questions, please. Hindi lang para magitla at magtawanan ang inyong mga loyal followers, kundi para masubukan rin ang talas ng kanilang mga pag-iisip at maisulong ang masaya at kapaki-pakinabang na talastasan.
***
It has all the elements of a high octane melodrama at tila pa bago tayo magsawa sa dramarama sa tunay na buhay ni COMELEC Chairman Andres Bautista at kanyang dating maybahay na si Ms. Patricia Cruz-Bautista.
Ang away nila na pinagpipiyestahan nating lahat, makes me remember all the nagmamayaman at nagmamagandang prime time imported dramas of yore, very pang Dallas, Dynasty at Falcon Crest.
Kasi nga may malalaking perang involved, may mga yamang itinago at biglang bumulaga, may mga pagkakautang na hindi na mabayaran, may extortion at may pangangalunya element pa.
Hindi ba naman hitik na hitik sa emotada encarnacion, huh!
Ngayong ipinahayag na nila ang versions of their truth sa kanilang mga press payanig, sana naman, tumahimik na sila at hayaan na lang ang kanilang mga abogado na gawin ang kanilang mga trabaho.
Ang mga ganitong usapin, hindi dapat isinasambulat sa publiko dahil hindi lang can of worms, skeletons in the closet, kundi buong Pandora’s box or boxes ang maibubunyag at pagpipiyestahan.
Sa ating mga tagapagmasid, sana we rise above the hurling of the accusations at hanapin ang mga aral na matutunan nito, most especially in terms of love, marriage and relationship. Let us not make harsh judgements lalo na nga’t labas naman talaga tayo sa contemporary melodramang ito.
This war of the Bautistas, ang apektado talaga rito ang kanilang mga anak, kapamilya at kapuso.
Patotoo rin ito, na the moneyed and the rich are not so different from you and me, shit happens to them as well, kaya nga lang nilang pabanguhin, dahil nga they have the means to do so.
Hahahahahahahaha the truth makes me laugh
The truth hurts.
vice kupal , kasi di na sila belong…. use ur common sense…… epal
aysus…joke lang yun tanong e ..pampa good vibes sa mga solid kapamilya yun tanong na yun na enjoy na enjoy at humahagalpak sa tawa dahil sampal sa mayayabang na GMA fantards ang tanong na yun hahahahaha..hindi ba nga’t tinamaan ka ngayon kaya nagcomment ka? hahahahahaha bwaahahahahaah bwaahahahha peace yo! :D
affected much ka ba bakla? totoo di ba? may hugot di ba? sapul na sapul di ba? that’s the reality bakla…