Sa mga nakahuntahan kong mga tao, medyo nabawasan ang agam-agam nila sa mga pulis matapos mapatay ang pinaghihinalaang big time drug lord matapos daw lumaban sa mga awtoridad na aaresto sa kanya.
Walang ipinagkaiba ang mga ordinaryong Pilipinong adik at pusher na naitumba ng mga pulis at ang iba naman ay pinatay ng vigilante kasama na ang mga tulad na miyembro ng Pambansang Pulisya sa Tsinoy at Chinese drug lords kaya sila ang dapat iprayoridad.
Akala ng lahat, ay mga mahihirap lang na pushers at adik ang tinitira pero nang may mga pulis at may isang Tsinoy na ang napatay na sangkot daw sa iligal na droga eh medyo kumalma ang mga nagdududa sa Pambansang Pulisya.
Sana lang eh mas marami pang big time drug lord na Tsinoy ang mahuli at kapag lumaban ay mapapatay dahil sila naman talaga ang bumiktima sa mga kababayan natin na nalululong sa droga.
Kung wala ang mga dayuhang ito na nagkalat ng droga sa bansa, malamang ay walang adik at tulak kaya sila ang gawing top priority ng mga vigilante kung totoo ang grupong ito na nagtutumba ng mga sangkot sa iligal na droga.
Dehado ang mga Pilipino sa mga dayuhang ito dahil tiyak na marami na sa kanila ang umalis na at bumalik na sa kanilang bansa dahil sa mainit na kampanya laban sa iligal na droga at ang kanilang mga Pilipinong biktima ay muling nabibiktima.
Bali-balita din na mayroon nang mga taga-entertainment industry ang nalululong sa iligal na droga, paano naman sila? Kasama ba sila sa mga target ng mga pulis kasama na ‘yung mga supplier nila?
Marami ring mayayaman daw na gumagamit ng iligal na droga pero wala pa tayong naririnig na may sumuko na anak mayaman sa kanilang barangay o istasyon ng pulis at pinanumpa na hindi na sila muling gagamit pa ng droga.
Kakatukin din ba sila ng mga pulis o isasama sila sa “Oplan Tokhang” para pagsabihan na tumigil na sila at kapag sila ay pumalag ay mayroon din silang paglalagyan? Kaya ba ng mga pulis ang mga anak ng mga maiimpluwensyang tao sa lipunan?
Marami pang trabahong gagawin ang mga pulis para masawata ang paggamit ng droga sa ating bansa. Umabot daw kasi sa 1.8 million Pilipino ang lulong sa iligal na droga at sa mga report, 109,000 pa lamang ang sumusuko at halos 500 na ang napapatay.
Nangangahulugan na halos 1.7 Million pa ang kailangang habulin para mapagbago bago pa man sila mapatay kapag inaaresto at lumaban. Mahaba-haba pa ang trabahong gagawin ng mga pulis na hindi sangkot sa iligal na droga.
Tiyak na isasama ni President Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) bukas ang isyung ito na unang nangako na sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan eh kanyang susugpuin ang iligal na droga sa bansa na karaniwang ugat ng kriminalidad sa lipunan.
Halos isang buwan pa lamang si Duterte sa kapangyarihan kaya mayroon pa siyang dalawa hanggang limang buwan para tuparin ang kanyang pangakong ito na siyang dahilan kung bakit siya nanalo.
Kailangang bilisan pa ng PNP ang kanilang trabaho para hindi mapahiya ang Mahal na Pangulo sa mahigit 16 milyong Pilipino na nagluklok sa kanya sa Palasyo ng Malacañang noong Mayo. (dpa_btaguinod@yahoo.com)