Kuryente sa Visayas unang aayusin

Supply Kuryente

Doble kayod ngayon ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pagkukumpuni ng mga pasilidad nilang napinsala sa 6.5 na lindol na tumama sa Visayas noong Huwebes.

Ayon kay Atty. Cynthia Alabanza, tagapagsalita ng NGCP, may mga ginawa nang paraan ang mga lokal na pamahalaan sa pakikipagtulungan ng ahensya para maibalik ang suplay ng kuryente sa lalong madaling panahon.

Kabilang na rito ang bypass line sa Samar, Biliran at Leyte kung saan ang kuryente ay manggagaling sa bahagi ng Cebu.

Gayunman nilinaw ni Alabanza na ang ginawang pagkukumpuni ay sa transmission line lang ibig sabihin ay daanan lang at yung kanilang power supply ay depende pa sa exsisting supply kaya posibleng magkaroon din ng interruption partikular sa pagkukunan ng kuryente.