Hindi tatablahin ng Pilipinas ang deployment ban ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait hangga’t hindi nakakamit ang katarungan para kay Joanna Demafelis, ang Pinay na natagpuan sa freezer.

Ito ang binigyang-­diin ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa pagdinig ng House committee on overseas workers’ affairs kahapon.

“Ang signing ng MOU (memorandum of understanding) ay hindi na­ngangahulugang irere­komenda ang lifting ng deployment ban, kailangang bigyan ng hustisya si Joanna,” sabi ni Bello.

Sa Abril ay nakatakda aniyang pumirma ng MOU ang Pilipinas at Kuwait.

Sa pamamagitan nito ay inaasahang mas mapoprotektahan ang mga Pinoy worker.

Pupuwede aniyang irekomendang tanggalin ang ban sa mga Pinoy skilled worker pero hindi kasali ang mga domestic worker.