Kuwait Pinoy worker i-redeploy sa Saudi, UAE, Qatar, Oman, Bahrain

ofw-kuwait

Puwedeng i-deploy sa ibang foreign labor market ang manggagawang Pinoy mula sa Kuwait na tatalima sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na umuwi na sa Pilipinas.

Marami pang bansa na puwedeng pagtrabahuhan ang mga OFW hindi lang sa ­Kuwait, ayon kay ­Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel.

“Outside of Kuwait, we have far bigger labor markets in ­other parts of the Middle East and elsewhere that offer better protection for our workers,” sabi ng solon.

Binanggit ng kongresista ang Saudi Arabia, United Arab Emirates (UAE), ­Qatar, Oman at Bahrain na mayroong labor market para sa mga ­Filipino.

“In any labor market, what is important is that the jobseekers must have the skills that they can sell to employers,” ani Pimentel.

Samantala, iginiit ni Senador Joel Villanueva sa pamahalaan na magkaroon ng konkretong plano para sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait na nais pabalikin sa bansa.

Suportado ni Villanueva ang nais ni Pangulong Duterte na pauwiin na ang mga manggagawang Pinoy mula sa Kuwait dahil wala aniya dapat Pinoy na itinatratong ali­pin sa ibayong dagat.

“We support the government’s plan to repatriate our overseas Filipino workers (OFWs) from Kuwait. No Filipino worker should be treated like a slave more so in a fo­reign land,” saad ni Villanueva.

Kailangan na aniyang matigil ang mga pag-abuso sa mga manggagawang Pinoy ng mga Kuwaiti employer.

“We commend our government for taking a bold step in calling for their repatriation to end their sufferings. However, we need to formulate a solid plan to make this work,” saad ni Villanueva.