Maraming likes agad ang nakuha ng birthday greetings ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang mommy na si Coney Reyes.
Ngayong May 27 ang 66th birthday ni Coney at nagdesisyon si Vico na handugan ito ng kakaibang pa-birthday.
Sa Instagram post binahagi ni Vico ang larawan ng kanyang mommy habang karga-karga ang isang baby.
Inedit ito ni Vico at inilagay ang kanyang ulo sa naturang baby.
“Happy birthday, Mama! I love you!” caption ni Vico.
Kabilang sa bumati kay Coney ang kasalukuyang asawa ni Vic na si Pauleen.
“Happy birthday, @coneyreyes!” sabi ni Poleng. (issa santiago)