Kuwentong marathon

Hindi po muna running tips ang isi-share ko sa inyo ngayon.

Kundi ilang trivia sa marathon sa ating bansa sa dekada 80.

Alam po ba ninyo ng mga panahong iyon ay wala pang curfew o cutoff time sa mga full-marathon o 42.195-kilometer race?

Dahil hindi pa ma-traffic sa Metro Manila ng taong 1980-1989.

At kakit ikaw ang kulelat sa karera ng time na iyon, para ka ring big winner o champion. Sikat din!

Bilang last runner na tatawid ng finish line, kasabay mo ang isang motor (hagad) at ambulance with matching wangwang (wee-oww! wee-oww!).

Para ka ring bida .

Sa isang takbo ko sa Quezon City Subukan Full-Marathon, nagdrama akong nahimatay pag-cross ko ng finishline. Gusto ko kasing matikman na balutin sa makapal na kumot at ilublob sa drum na puno ng malamig na tubig.

Hay sarap. Para kong nasa ‘cloud nine’

***

Patuloy po nating idadalangin na may matuklasan ng gamot o maglaho na ang Covid-19 pandemic sa buong mundo, para makabalik na ang lahat sa dati, pati po ang sports events.

Mag-ingat pa rin po tayo araw-araw, panatilihinng malakas ang ating katawan.

***

At Kung may na is po kayong itanong o gusto ninyong mag-reaksiyon, mag-email lang po kayo o sinuman sa ramilcruz2003@gmail.com o sa ramilcruz2003@yahoo.com.

Hanggang sa susunod pong Martes mga Ka-Abante TONITE.

God bless us all!