May nasilip na kaduda-­duda at kuwestiyo­nableng probisyon ang Senado kaugnay sa panukalang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte upang solusyunan ang problema sa trapiko.

Kaya naman ipinasya ni Senator Grace Poe, chair ng Senate committee on public services, na siyang dumidinig sa panukala na muling buksan ang pagdinig sa panukala upang linawin ang nasilip nilang kuwestiyonableng probisyon na nakapaloob sa isinumiteng proposed bill ng Department of Transportation (DOTr) na may kinalaman umano sa mga ipapatupad nitong proyekto.

Kung matatandaan, tinapos na ng komite ang pagdinig sa panukala noong Setyembre 22 at paplantsahin na lamang ng technical working group para sa pagbuo ng committee report ukol sa panukala.

Itinakda ang pagdinig sa Oktubre 12.

Unang sinabi ni Poe, na target nilang sa Dis­yembre maibigay ang hinihirit na emergency powers ng Pangulo.

One Response

  1. too much red tape, and why should the president be the one to solve traffic problems ? don’t the cities have their mayors and councilmen ?