Napansin agad ni Korina Sanchez-Roxas sa larawan na walang mask sina Kim Atienza at Gretchen Fullido.

Sa Instagram kahapon, inanusiyo ni Kim na araw-araw, babasahin nila ni Gretchen ang mga komento ng madla sa TV Patrol.

Sey ni Korina, “Wala talaga kayo mask?”

Hindi pa tumutugon dito ang dalawa.

Patuloy ang pag-ere ng TV Patrol sa online at cable sa buong daigdig.

Matatandaang natigil ang operasyon ng ABS-CBN matapos ang closure order ng National Telecommunications Commission sa network. Ito’y dahil sa expired na prangkisa. (SDC)