Walang kabang nagsalpak ng back-to-back 3s si Malcolm Brogdon sa final 67 seconds at binawi ng Milwaukee Bucks ang panalo sa Toronto Raptors, 104-99, sa showdown ng Eastern Conference top two teams Linggo ng gabi.

May 90 seconds pa sa laro, napunta kay Kyle Lowry ang bola at bumitaw ng wide-open corner 3 na pandoble sana sa 97-94 lead ng Toronto.

Pero mintis si Lowry, tulad din ng nauna niyang apat na tira. Walang naipasok si Lowry sa limang ­attempts.

“I’ve gotta look at the film, see where it was at,” anang guard, sa unang pagkakataon sapul noong March 2013 kontra Miami ay scoreless sa loob ng 30 minutes. “I don’t know. Just couldn’t find the open ones tonight.”

Pinangunahan ng 19 points at season high-tying 19 rebounds ni Giannis Antetokounmpo ang Bucks, unang team na tumalo nang dalawang beses sa Raptors ngayong season.

May 19 din si Brook Lopez sa Milwaukee at tumapos ng 18 si Brogdon.

Nag-deliver ng 22 points si Serge Ibaka, may 20 si Kawhi Leo­nard sa Toronto. Umayuda ng season-high 19 points si Fred VanVleet.

Nilista ng Bucks ang first 6 points ng fourth quarter para lumayo 85-74, pero inagaw ng Raptors ang lead, 97-94, sa 3 ni Leonard, 2:07 pa. Isinalpak ni Brogdon ang game-tying 3 sa 1:07 mark, isinunod ang go-ahead jumper 40 seconds sa laro.