tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
Kahit pa nga tatlong taong nakalipas na tinanghal na Ms. International ang bathalumang si Kylie Verzosa, ang diva that you love walang masyadong pagpapahalaga sa kanyang inuwing korona at viktoria dahil nga, palagian naman tayong nanalo sa nasabing timpalak pagandahan.
Umaarte na rin si Versoza at sa true lang, natuwa lang ako sa kanya matapos ko siyang mapanood sa “Kasal,” ang pelikula nina Bea Alonzo, Derek Ramsay at Paulo Avelino.

 

Siya ang ex ni Avelino, na hayok na hayok pa rin kay Avelino kahit pa nga bisexual ang katauhan nito. Winner siya sa pagiging kontrabida. Malakas at sosyalin ang screen presence at feeling ko nga, pasok siya sa banga bilang heiress apparent ni Ms. Cherie Gil na best sa pagiging yayamaning antagonist.

 

Kasalukuyan siyang kasali sa Los Bastardos at heto na nga, marami sa kanilang mga kasamahan at kaibigan ang nakakapansin sa pagiging malapit nila ni Jake Cuenca, at palagian na may sighting ang dalawa.

 

Sa book launch ni Boy Abunda kung saan Kylie was one of the excerpt readers, lo and behold, present ang hombrelicious Cuenca.

 

Dahil nga hindi ako likas na malisyosa,  waley ako sa pag one plus one equals two hanggang sa mabasa ko ang mga posting and queries mula sa kanilang elite circle of friends na tinatanong kung there is more than meets the eye sa Jake at Kylie public sighting.

 

Hindi ko alam kung parehong single and ready to mingle ang status nina Versoza at Cuenca. Kung sila na nga, wala namang masama at hindi na rin naman sila teenagers para mag-inarte sa atin na they are just “close.” Mas lalong nakakayamot kung may emote silang “what you see is what you get.” At mas nakakapagdabog sa bangs pag may eme silang “entitled” sila sa kanilang privacy.

 

Congratulations muna kay Jake Cuenca dahil sa PhilStage Gawad Buhay, cited ang kanyang lead performance para sa play na “Lungs.” Of course, congratulations are in order kung si Kylie at Jake eh playing beautiful music together na. Bagay na bagay naman sila, hindi ba naman?