Kylie at Aljur, nasa edad na para bumuo ng pamilya

TINATANONG ang diva that you love kung ano ang masasabi ko sa balitang 3 months pregnant si Kylie Padilla, na ka-live in umano ni Aljur Abrenica.

Wala akong pakialam sa chikang ‘yan lalo na’t botante na si Padilla at her age at pwede nang magpakasal even without parental consent.

Dalagang-dalaga na, hindi na bata. Keribels nang bumuo ng pamilya. At siguro, she knows what is best for her.

Tatakbo at iikot pa rin ang showbizlandia kung ano man ang kondisyon ni Kylie sa buhay.

Siguro sa fans niya at sa mga nananalig sa talento niya, pwede silang mag-react.

Hindi imposibleng one of these days, may statement na ang kanyang tatay Robin Padilla tungkol dito o kaya, may hunting spree na ang orihinal na bad boy at hinahanap na nito ang Millennial Machete.

Kilala si Kylie sa pagiging babaeng tapang-tapangan kaya umasa na rin kayo na one day, isang araw, may official siyang ipapahayag tungkol dito.

***

Ano kanyo ang masasabi ko sa short hair do ni Angel Locsin? Bagay naman sa kanya. Nagmukha siyang fresh.

Bumata ang aura a­lthough mas naging obvious ang umaapaw niyang masculine energies.

‘Yung tungkol sa pagiging mag-“wifey” nila ni Bubbles Paraiso, matanda na silang dalawa.

In their thirties na.

Kung ano man ang gusto nilang label sa kanilang friendship, it’s their call and their choice.

Wala akong nakikitang masama if two women share a healthy and happy platonic relationship at proud silang ipagngalandakan sa lahat ang tungkol dito.

Kung OA masyado ang inyong fertile imagination, panahon na para simulan n’yo ang pagsusulat ng isang erotic novel o kaya one-act play o kaya sumali kaya kayo sa dragon boat team para you have something better to do.

Sa society natin, common na when a lady chops off a big part of hair, it means may pinagdadaanan ito and this is her way of telling people that living beautifully is her best revenge.

So, manalig pa tayo dapat na may pinagdadaanang emotional upheaval si Angel?

Ms. Locsin, bet mo bang sagutin ang mga katanungan o ngiting matamis lamang ang ibabato mo sa amin?

Naku, Ding! Asan na ba ang bato? Dali!

Ang alam ko lang, si Bubbles Paraiso ang tunay na nagbebenepisyo sa inyong friendship dahil isa na siyang malaking The WHO.

***

Tinatanong ang diva that you love kung bet ko bang turuan ang newbie actor na si Gil Cuerva na matutong mag-ride sa bicycle? Hindi ako tatangging turuan ang papable na si Gil kaya lang, just like him, hindi rin ako marunong magbisikleta.

Isa pang hindi ko alam gawin, hindi rin ako marunong mag-swimming.

So, even if eternal love at gratitude ang balak ibigay ni Gil sa kung sino man ang magtuturo sa kanya, kung sino man ang nilalang na papalarin, inggit na inggit ako sa iyo, and the rest of the peeps na mahal na agad si Cuerva.

Super-charming sa akin ang pag-amin ni Gil of his flaw. Pwede namang hush-hush lamang ito.

What he did, para tuloy mas naging attainable siya. Kumbaga, for all his physical perfection, meron pa rin palang mga bagay-bagay na hindi niya alam gawin.

This fact makes him more of a sweetheart.