ARIBA sa regional shows ang mga bida ng GMA shows na Encantadia at Sinungaling Mong Puso sa Sabado (September 3).

Kumpleto ang mga nag-gagandahang Sang’gre na sina Kylie Padilla (Amihan), Gabbi Garcia (Alena), Sanya Lopez (Danaya), at Glaiza de Castro (Pirena) sa Kapuso Mall Show sa CSI The City Mall sa Dagupan City, ganap na ika-apat nang hapon.

Pakikiligin din nina Rocco Nacino at Ruru Madrid ang mga manonood.

Kasama pa nila ang kanilang co-stars na sina Vaness del Moral,­ Klea Pineda at Migo Adecer.

***

Lilipad naman sa General Santos City ang love triangle ng Sinunga­ling Mong Puso na sina Rhian Ramos, Rafael Rosell, at Kiko Estrada upang makisaya sa pagdiriwang ng Tuna Festival.

Mapapanood ang tatlong Kapuso actors sa KCC Mall Events & Convention Center para sa isang Kapuso Mall Show sa Sabado nang 5:00 PM.

Bago ang nasabing mall show, makiki-bonding sina Rhian, ­Rafael, at Kiko sa Purok­ Matinabangon,­ Brgy. Labangal,­ GenSan City para sa Kapuso Baranga­yan simula 3:00 PM.

***

Change is coming para kay Jake Vargas.

Bad Boy ang dating niya sa GMA afternoon drama na Oh, My Mama kung saan kasama niya sina Inah de Belen at Jeric Gonzales.

Kuwento ni Jake, “Bago ito sa akin talaga kaya kahit medyo nahihirapan pa akong gawin, masasabi kong ready na ako.

“Yung character ko rito is, isa akong mi­yembro ng sindikato kung saan wala akong takot sa mga bagay.

“Pero magbabago ako kapag nakilala ko yung character ni Maricel (Inah).”

Samantala, bibisita sina Jake, Inah at Jeric sa SM City San Jose del Monte Bulacan sa Linggo (Setyembre 4) nang 4:00 PM.

Solenn Heussaff
Solenn Heussaff

***

Ibubunyag ni Solenn Heussaff ang sikreto kung paano niya napapanatili ang kanyang sexy figure sa kanyang book na Hot Sos.

Ipapakita niya rito ang ilan sa routines at exercises na kanyang ginagawa para ma-achieve ang kanyang sexy body.

Kasama si ­Solenn sa telefantasyang ­Encantadia.