Tinutukan ng halos buong mundo ang royal wedding ni Prince Harry ng Inglatera sa Hollywood actress na si Meghan Markle nu’ng Sabado.
Naganap ang sinasabing pinaka-modern na wedding in the royal family sa St. George’s Chapel sa Windsor Castle.
Larawan ng wagas na pag-iibigan ang 33-anyos na si Harry at ang 36-anyos na si Meghan habang nagaganap ang seremonyas na dinaluhan ng mga bigating personalities.
Pinupuri ang nasabing kasal sa pagiging inclusive nito dahil ang African-American na si Meghan ang pinakaunang biracial woman to be married into the British royal family.
Si Markle ay isa ring diborsiyada, na noong araw ay hindi pinapayagan na ikasal sa isang dugong-bughaw.
May mga pumuri at meron ding hindi gaanong nagustuhan ang wedding dress ng bride, na tinatayang ang halaga ay nasa P22M.
Gawa ito ng British designer na si Clare Waight Keller, ang unang babaeng artistic director ng Givenchy.
Kilala namin si Meghan bilang si Rachel Zane, ang paralegal na karakter niya sa hit US legal drama series na Suits.
Nakakatuwa na imbitado sa grandiosong kasal ang kanyang Suits co-stars, sa pangunguna ng bida na sina Patrick J. Adams at Gabriel Macht.
Ang Wikipedia page niyang Rachel Meghan Markle ay ‘Meghan, Duchess of Sussex’ na matapos siyang maikasal kay Prince Harry, Duke of Sussex.
Ang ilang local celebs ay tumutok din sa royal wedding ng taon.
“She looks like Princess Jasmine,” ang tweet ni Janine Gutierrez tungkol sa radiant bride na si Meghan, na huminto na sa pag-aartista dahil sa bago niyang royal duty as Prince Harry’s wife.
“Dying at the gym… because of the #RoyalWedding,” tweet ni Sarah Lahbati, na nasa gym habang nanonood ng BBC coverage ng kasal.
“An actualy fairytale,” ang isa pang tweet ni Sarah.
Si Anne Curtis ay bumati lang ng, “To the Duke and Duchess of Sussex, Congratulations.”
Si Bianca Gonzalez-Intal ay panay ang tweet habang nagaganap ang kasalan.
Sey ni Bianca sa isa niyang tweet, “Been gushing too much over the royal wedding. Minsan lang kasi mangyari to get to watch a real life fairy tale.”
Si Megan Young ay natawa sa tweet na, “Congrats, Harry Styles and Megan Young! #RoyalWedding.”
Tweet naman ni Ethel Booba, “Kung ‘di napalitan ang DOT Secretary, baka nag-travel na mga ‘yan sa #RoyalWedding. Charot!”
Si Kylie Padilla ay may tweet na, “Am I the only one without a care for the royal wedding? No hate there. I just don’t feel the hype. Is there something wrong with me?”
Deleted na ang tweet na ‘yon ni Kylie, pero may isa pa siyang tweet na, “He was my favorite prince. Congrats, Prince Harry!”
***
Gabby iniregalo ni Bong kay Lolit
71st birthday ni Tita Lolit Solis kahapon, May 20.
The day before ay inimbita siya ni Senator Bong Revilla for a birthday lunch sa Custodial Center ng Camp Crame kung saan nakakulong pa rin ang alaga niyang si Bong.
Teary-eyed si Tita Lolit sa surprise ni Sen. Bong, na inimbita pala ang dating super-love na alaga ng birthday girl na si Gabby Concepcion.
Parang on cue ang pasok ni Gabo dahil saktong pinag-uusapan ito ng mga bisita ni Tita Lolit nang umentra ang aktor para sorpresahin ang dating nanay-nanayan.
Touched ang batikang showbiz manager sa kaswitan ni Gabby, na binati siya, niyakap at binigyan ng isang box ng French truffles.
Sarap na sarap ang birthday girl sa tsokolateng bigay ng napaka-sweet niyang dating anak-anakan!
Ang galing manorpresa ni Sen. Bong dahil hindi akalain ng birthday girl na totoong may Gabby na darating sa pa-lunch na ‘yon.
Hindi nagtagal si Gabo dahil may singing raket pa ito sa Tagaytay. Ina-acknowledge ng guwapong aktor na si Tita Lolit ang dahilan kaya siya natutong kumanta.
Ayaw na ayaw kumanta ni Gabby noong araw, pero kinukuha siya ni Tita Lolit ng singing engagements pati sa abroad kaya para huwag siyang mapahiya ay napilitan siyang mag-aral kumanta.
Hanggang ngayon ay patuloy na pinakikinabangan at pinagkakakitaan ni Gabby ang kanyang pagkanta-kanta at sanay na siyang mag-concert kung saan-saan.
Happy 71st birthday Tita Lolit, na avid reader din ng Abante TONITE!!