Kylie, first love si Pirena

Kylie Padilla
kylie-padilla
               KYLIE PADILLA

ISANG kuwento/confession ang binahagi ng gumaganap na Sang’gre Amihan na si Kylie Padilla ang tungkol sa kanyang audition para sa Encantadia.

Ang karakter ni Pirena ang gustung-gusto niyang gampanan ngunit hindi ito ang napunta sa kanya.

“Nakakatawa kasi I auditioned for Pirena muna, tapos Alena, tapos Danaya.

“I didn’t audition for Amihan tapos ‘yun ‘yung napunta sa ‘kin. Pero nu’ng sinabi na sa amin kung ano ang roles namin, inaral ko si Amihan.

“Tapos ayun, mas na-in love na ako sa karakter ni Amihan,” sambit ni Kylie.

***

Nag-post si Ai Ai de las Alas ng isang seksing photo sa Instagram.

Bukod sa almost 10,000 likes, natata­wang ikinuwento ni Ai Ai na ang anak niyang si Sancho ang nagtulak sa kanya na ipost ito.

“Si Sancho kasi! Dapat talaga ang ipopost ko ‘yung naka-shorts akong itim, hindi ko pa ‘yun nailalabas, kasi mga bago ko lang na picto­rial ‘yun.

“Sabi niya, ‘Mommy, ‘wag ‘yan, masyado kang balot! Mag-two piece ka!’

“Haha, imbes na pigi­lan, pinush pa niya ako. Ilabas ko raw ang katawan ko!” saad ni Ai Ai, isa sa mga host ng Sunday Pinasaya.

***

Isa na namang kilig post ang pinagkaguluhan ng BiGuel fans.

Nagpost kasi si Bianca Umali sa Instagram account ng photo kung saan kasama niya ang ka-loveteam na si Miguel Tanfelix.

Ang caption, “Currently having a conversation with one of the few people I am always and will forever be happy to be with. Hi, @migueltanfelix_”

***

Sa kanilang bagong GMA tele­serye na Someone to Watch Over Me, tila hindi alintana ng lead stars nito na sina Lovi Poe at Tom Rodriguez ang pagod at puyat sa pagsisimula ng kanilang taping.

Kahit kasi mabigat ang istorya nito na tumatalakay sa isang babaeng nagmamahal ng lalaking may Alzheimer’s disease, nae-enjoy ng dalawa ang company ng isa’t isa.

Makikita ito sa kanilang mga Snapchat at Instagram posts off-cam na umaani ng positibong feedback mula sa kanilang followers.

Abangan ang nakakaantig na istorya ng Someone to Watch Over Me simula ngayong Setyembre sa GMA Telebabad.

***

Sa mga direktor ng current batch ng Cinemalaya entries, may pinag-uusapan silang kasamahang direk ng isang pelikulang hindi masyadong friendly at nag-iilusyon na sold-out na raw ang pelikula nila sa CCP screenings based on the IG post pero marami pa ring balcony tickets.

Sana, bumait at matutong makipagkapwa ang direktor na ito para hindi siya pinag-uusapan sa likod niya.