Rey Pumaloy

Sa Lunes pa ang bisperas ng Bagong Taon pero nagpasabog na agad si Kylie Versoza.

Sumasagitsit na parang kwitis ang pagbalandra ng “Los Bastardos” actress sa kanyang super skimpy two-piece swimsuit.

Nabulabog ang buong social media sa halos lumuluwang kahubadan ng beauty queen habang nasa tabing ilog.

Ito na yata ang pinaka-daring sexy shot ni Kylie sa mga post niya sa Instagram.

Nag-umpisa si Kylie sa one-piece matapos siyang manalo ng Miss International nong 2016 hanggang sa magpasilip siya ng kanyang butt suot ang isang high cut swimsuit.

Nasundan ito ng half body sexiness niya sa isang waterfalls at ngayon ay malapitan na siyang nagbuyangyang sa kanyang daring photo.

Halos kapiranggot na tela na lang ang tumatakip sa boobs at flower ni Kylie sa latest photo nya.

Nakakapanlaki ng mata ang katapangan ng beauty queen turned actress sa kanyang kahubadan.

Kanasa-nasa sa paningin ng mga kalalakihan ang kaseksihan ni Kylie na walang ma­ngangahas na tumapat sa kanya.

At partida pa walang makeup at ang mga sexy photo niya ay hindi produkto ng anumang professional pictorial.

Kaya nga may karapatan talagang maging beauty queen at maluklok bilang pinakamagandang babae sa ‘Pinas dahil sa kanyang alindog.