ANG daming nag-react na netizens sa ipinost ni Kylie Padilla kamakalawa nang umaga kung saan pinapainitan nila si Baby Alas Joaquin nila.
Tuwing umaga yata ay pinapainitan nila ito, na nai-post minsan na wala pang tulog si Aljur Abrenica galing sa taping ng Ang Probinsyano, karga pa niya ang baby nila na pinapainitan sa labas.
Iyun ang nangyari nu’ng Linggo nang umaga na nag-post si Kylie ng video sa kanyang IG account na pinapainitan nila ang bagets, pero nakahubo’t hubad ito at iyak nang iyak.
Kitang-kita ang pototoy ni Baby Alas, kaya ang daming nag-react na GIFTED ang baby.
Kay Aljur kaya nagmana o sa lolo?
Pero marami ring followers nito na nag-comment na tanggalin ang post na iyun dahil nakakahiya raw sa bata.
Sa panahon ngayon ng digital at social media, malamang na mababalik ‘yan paglaki ng bata.
Pero sa totoo lang, keber ba!
Si Paolo Contis, nu’ng child star pa lang ito, may eksena siya sa Lovingly Yours Helen na pinapaliguang hubo’t hubad at kitang-kita rin ang pototoy niya.
Okay lang sa aktor at tawang-tawa pa siya nang na-replay ito sa isang cable channel.
Pero pinutakti ng mga komentong tanggalin na sana ito ni Kylie, kaya kinagabihan ay nawala na ito.
Ito ang nagpa-busy ngayon kay Kylie, ang tumutok sa pag-alaga sa kanyang anak.
Pati ang first check-up nito sa kanyang doktor ay ipinost kasama rin si Aljur.
Kahapon ay ipinost ng Kapuso young actress ang pagpapa-breastfeed niya.
Nakikitang nag-e-enjoy ang magkasintahan sa pag-aalaga kay Baby Alas.