Kylie, inspiradong TUMULA sa balikan nila ni Aljur

aljur-kylie
aljur-kylie
       Aljur at Kylie, kesong-keso

KESONG-KESO ang nagkabalikang ­Kapuso lovebirds na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Ume-extra CHEESY ang Instagram captions ni Aljur for Kylie na, “My light at every end of all tunnels,” “The HOT to my cold,” “Bigger half of my whole,” “A Yin to my Yang,” at “The H to my O2,” sa collage pic na swit-switan silang magsyota, nakayakap si Kylie kay Aljur at magkadikit ang mga mukha nila na parehong hindi nakatingin sa kamera.

Si Kylie ay inspired din ngayong magsulat ng mga tula, na pinu-post ­nito sa IG.
Na-miss ng tisay na dalaga ang poetry.

Meron ding pinost si Kylie na black & white sketch na portrait niya, na hindi namin sure kung siya ang nag-drawing o si Aljur.

Basta ang caption ­niya lang dito ay, “Gorg” (as in gorgeous).

May pinost din ang inlabey na si Kylie na pakyut na pic ni Aljur sa Japan na ang caption ­niya ay, “Remember you this way.”

Four days na nag-­Halloween vacation sa Japan ang 26-anyos na Kapuso hunk at 23-anyos na Kapuso actress.

Inamin ni Aljur na after 2 years ay nagkabalikan sila ni Kylie nu’ng September.

Hindi raw nawala ang pagmamahal nila sa isa’t isa kahit pa nagkaroon ­sila ng ibang karelasyon (nakadalawang BF si Kylie ­after nilang mag-break).

Hindi natanong si Aljur kung totoong sa bagong renovate na bahay niya nakatira ­ngayon si Kylie at LIVE IN ang peg nila.

Kahapon ay magkatabi ang dalawa sa couch na nanood ng laban ni Pacquiao sa house ni Aljur sa QC.

***

Japan lovebirds din ang dating nina Ejay ­Falcon at Jana Roxas.

Sa Tokyo rin nag-Undas break si Ejay kasama ang dating Kapuso star at StarStruck avenger na si Jana.

Cheesy kung cheesy ang mga IG post ni Jana na magkahawak-kamay sila ni Ejay na tatawid sa kalsada sa Japan, na ang caption niya ay, “All I ­ever need.”

Meron din silang laughing pic sa may kalye ng Shinjuku na ang caption ni Jana ay, “Lucky I’m in love with my best friend.”

Obvious na inlab-inlaban din ang Kapamilya hunk na si Ejay na may pa-kis­sing pic pa sa IG sa hinahalikan nito sa noo ang tisay na Tarlac girl.

‘Yung mga nakaraan ni Ejay na girl (gaya ni Yam Concepcion) ay parang hindi­ siya naging ganu’n ka-open, pero ngayon ay tila proud siya sa relasyon nila ni Jana.