Itinanghal si Kylie Jenner bilang ‘youngest’ self-made billionaire sa pinakahuling talaan ng mayayaman ng Forbes magazine.
Lumitaw sa 2019 World’s Billionaires list ng Forbes na ang nasabing 21-anyos pa lamang na American socialite ay mayroong kabuuang net worth na $1 billion (P50 bilyon).
Si Jenner na pinakabatang miyembro ng pamilya Kardashian ang nagtatag at may-ari ng Kylie Cosmetics, na kumita umano ng $360 milyon noong nakalipas na taon.
“I didn’t expect anything. I did not foresee the future. But [the recognition] feels really good. That’s a nice pat on the back,” paglalahad ng American socialite.
Dahil sa pagkakatala ni Jenner bilang youngest billionaire sa edad na 21 ay naungusan nito ang Facebook founder na si Mark Zuckerberg na naging bilyonaryo sa edad na 23.
Na-maintain naman ng founder ng Amazon na si Jeff Bezos ang record bilang pinakamayamang tao sa buong mundo dahil sa ari-arian nitong umaabot sa $131 bilyon o kabuuang P6 trilyon.
Natapyasan naman ng $8.7 bilyon at nasa $62 bilyon na lamang ang kabuuang yaman ni Zuckerberg.