Balitang sa lalong madaling panahon ay magaganap na ang pinaka-aabangang kasalan ng reality TV personality, model at socialite na si Kylie Jenner at ang rapper singer/songwriter and record producer na si Travis Scott.

Ayon pa sa isang source, naniniwala si Kylie na hindi niya mararanasan ang mga sakit na pinagdaanan ng kanyang mga kapatid dahil mahal siya ni Scott. Bigo kasi ang mga ito sa marriage.

Ayon pa sa isang source, gusto nang magkaroon ng isa pang baby nina Kylie at Scott kaya atat na silang magpakasal.
“Iniayos ni Travis ang kanyang iskedyul sa trabaho para mas mahabang oras ang maibigay niya sa kanyang mag-ina. Hangga’t maaari ay gusto niyang kasama palagi si Kylie at ang anak nilang si Stormi,” dagdag impormasyon pa ng source.

Nito lamang December, sa kanyang Rolling Stone cover story ay may paha­ging na si Scott na sana’y matuloy na ang pagsasabi niya ng….I do sa kanyang girlfiend.

Nagsimulang mag-date ang dalawa noong April 2017 at dumating sa buhay nila si Stormi noong February 2018.

“It got to a point where I was like, ‘I need [Kylie] with me to operate. She’s that one. We’ll get married soon. I just gotta sturdy up — I gotta propose in a fire way,” seryoso pang tinuran ni Scott.

Naniniwala si Scott na nabuo si Stormi dahil sa pag-ibig nila sa isa’t isa tatlong linggo pagkatapos nilang magkakilala.

“We were just two kids, f—ing around. Maybe, like, the first week, you don’t know if it’s real or a fling,” paliwanag ni Scott. “Then the second week you’re like, ‘Whoa, I’m still talking to her, she’s responding, I’m responding. We ain’t run out of a thing to say.’ “We felt like, ‘This is something special.’ And kids are something we kind of talked about when we were getting busy,” dagdag pahayag pa ng rapper. Noong una raw ay gusto sana ni Travis na lalaki ang ma­ging panganay nila ni Kylie pero dumating si Stormi dun na nagsi­mulang magbago ang mundo niya.