Kylie laging nakalingkis kay Jake

Nadadalas ang pagbukaka ni Kylie Verzosa sa social media. Ang pinakahuli ay ang posting niya ng kanyang larawan na kuha sa Bali, Indonesia. Nagpalipas sila ng Halloween kasama ang kasintahang si Jake Cuenca.

Panay nga ang sweet moments ng dalawa, na halos laging nakalingkis si Kylie kay Jake.

Nagpakuha si Kylie ng seksing larawan habang nakaupo sa isang bahagi ng tinutuluyan nilang unit ni Jake.

Sa hitsura pa lang ng yaman ni Kylie, mapapalunok na sa pagkakatitig ang mga barakong nag-iilusyon sa kanya.

Kaya inggit na inggit ang mga lalaki kay Jake dahil ito lang ang nagkaroon ng lisensya na mapasakanya ang alindog ng beauty queen-actress.

Isang natatanging kagandahan at saksakan ng sexy ang napaibig niya. (Rey Pumaloy)