Habang tumatagal, lalong umaangas ang kagandahan ng Miss International 2016 na si Kylie Versoza.
Mula nang pasukin na niya ang mundo ng showbiz, mas lalong nagningning ang kanyang alindog. Simula ito sa “Ang Panday” hanggang sa maging parte ng pelikulang “Abay Babes” at ngayon naman ay regular siyang napapanood sa “Los Bastardos”.
Kahit anong post ni Kylie ng kanyang mga larawan lalo kapag sexy ang kanyang kasuotan, hindi puwedeng hindi siya sulyapan ng netizen.
Paano naman kasi, nakakagayuma ang kanyang kaseksihan.
Anumang parte ng katawan nito ang ipakita gaya ng legs, cleavage, baywang, balakang, butt ay nakakapagpalapot ng pawis sa mga kalalakihan.
Ang kagandahan, kaseksihan ni Kylie ay hulog ng langit para sa mga kalalakihan. Inspirasyon din ng mga kabataang nagnanais na tularan ang kanyang achievement sa larangan ng beauty pageant.
Nakaka-relax ang kanyang kariktan sa mga lalakeng stress sa kanilang pang-araw-araw na ­buhay. Habang pinagmamasdan siya nang matagal ay lalong sumasarap sa paningin.