Pinatunayan ni Kylie Padilla na tulad ng kanyang amang si Robin, nananalaytay sa kanyang mga ugat ang dugo ng isang action star.

Kahit wala pang dalawang taon ang kanyang anak kay Aljur Abrenica na si Alas Joaquin, sumabak na agad siya sa pagtratrabaho sa kanyang bagong GMA-7 teleserye na kinabiliban ng mga netizen.

Unang salang niya sa teleserye ngayong taon ang “TODA One I Love” kung saan kapareha niya si Ruru Madrid.

Hindi nagpadobol sa kanyang mga action scene ang Kapuso actress at aksidente itong natamaan ng isang stuntman sa kanilang suntukan.

Gayunpaman, bilang isang tunay na trooper na tulad ng kanyang ama, hindi ininda ni Kylie ang suntok at galos na natamo sa pagsho-shoot ng nasabing mga eksena.

Dahil sa nangyari, marami ang napahanga sa tibay at determinasyon ng aktres. (Archie Liao)