Ronaline Avecilla
Bongga para sa isang anak ang regaluhan ng mahigit $800 o P40,000 na regalo para sa Pasko.
Nakatanggap si Stormi Webster ng dalawang luxury toy car nu’ng Pasko mula sa ina niya na si Kylie Jenner.
Ibinahagi ni Kylie sa kanyang Instagram ang mini version ng Hot red Ferrari at Lamborghini na nabalutan ng Louis Vuitton print.
“Like mother like daughter,” caption ni Kylie sa larawan. Mahilig din kasi ang make-up mogul sa mga luxury car.
Nagmamay-ari rin kasi siya ng isang Ferrari car, dalawang Lamborghinis, Rolls Royce Wraith at marami pang iba.
Walang duda ang pagiging mayaman ni Kylie bilang cosmetic CEO. Actually, itinanghal siya ngayong taon bilang ika-limang pinakamayamang celebrity sa America ng Forbes. Tumataginting lang naman na $900 milyon ang kaniyang net worth.