Kylie pampakalma sa COVID- 19

Kylie pampakalma sa COVID- 19

NI: NONIE V. NICASIO

Pampakalma ang kakaibang ganda ni Kylie Verzosa kontra sa matinding virus na hatid ng Covid 19.

Kumbaga’y may soothing effect, lalo na sa mga kalalakihan ang alindog ng beauty queen turned actress kahit na sa kasalukuyang sitwasyon ng lahat dahil sa lockdown sa buong Luzon.

Although sa makikitang porma ni Kylie sa kanyang Instagram, marami rin tiyak ang magiging inspirado at mag-iinit ang punong tainga sa hotness ng larawang ipinoste rito ng dating Miss International 2016.

Ang matinding kurba ng kanyang katawan, ang pasilip na gilid ng boobey ng dalaga, at ang matambok niyang wetpaks ay kayang higitan ang hatid na init ng summer season. Kahit saang anggulo silipin, tunay na makatulo-laway ang kaseksihan ni Kylie.

Walang tunay na barako ang makapagtitimpi sa lakas ng sex appeal ng dalaga. Sa mga kalalakihang mahilig sa mga hot babe, numero uno sa kanilang listahan ang tulad ng kariktan ng GF ni Jake Cuenca.

Anyway, sina Kylie at Jake ay kabilang sa mga celebrity na tumulong sa frontliners kontra COVID- 19. Kabilang ang Makati Medical Center, Las Piñas General Hospital, at Unihealth Parañaque Hospital ang dinalhan nila ng pagkain.

Ayon sa IG post ni Jake, “Taos puso po kami nagpapasalamat sa inyo sa lahat sakripisyo at serbisyo na binibigay ninyo sa panahon na ito. Magmula sa mga doktor, nurse, security guards at lahat ng tao na nagtratrabaho sa panahon na ito maraming salamat po. pinagdadasal namin kayo. Kayo ang tunay na mga bayani.”