FRESH from her photoshoot in Europe, dumiretso si Gabbi Garcia sa ospital kung saan nandoon si Kylie Padilla.

Ginusto ni Gabbi na personal na mabati ang kaibigan sa maayos na panganganak nito.

Maraming Encantadia fans ang natuwa dahil bukod sa reunion nina Glaiza de Castro at Mikee Quintos sa Mulawin vs. Ravena, ay nandito rin ang dalawang Sang’gre na napanatili ang pagkakaibigan matapos ang show.

Ipinaabot din ni Kylie ang kanyang mensahe kay Gabbi at halatang proud siya sa mga achievements nito.

“We got a visiter the other day. So happy for you beautiful! You deserve everything that is coming your way. Always stay strong as you are and true to your heart,” pagbati ni Kylie kay Gabbi.

***

Sumasabog sa energy si Joyce Pring nang pu­mirma siya ng management contract sa GMA Artist Center kamakailan. Excited na siya sa mga magiging proyekto niya sa Kapuso Network at nagpapasalamat siya dahil mainit ang pagtanggap nito sa kanya.

“Ibang klase, okay lang din palang mabasag ang puso mo basta ma­ging Kapuso ka,” banat ni Joyce.

Gusto niyang makatrabaho si Bitoy dahil enjoy siya sa comedy. Gusto rin niyang makapaglabas ng kanta dahil ito ang hilig niya mula pagkabata.

***

Kahit busy sa showbiz si Rocco Nacino ay naisi­singit niya ang pag-aaral.

Tinatapos ni Rocco ang kanyang Master’s degree sa Nursing.

Gusto ni Rocco na mag-invest sa aesthetic­ nursing dahil dito niya mapagsasama-sama ang nalalaman sa siyensya, sa showbiz at pagnenegosyo.

“I’m capitalizing on that, to be part of the board of nursing. Sana magtuluy-tuloy na ma­ging part na kami ng PRC. It’s gonna be a huge res­ponsibility which I think I can handle,” kuwento ng aktor na leading man ni Sanya Lopez sa Haplos.

***

Pasavogue ang b-day presentation ni Michael Espanto aka Bembem Espanto (0929-858-2390) na ON TOP III.

Gaganapin ito sa August 19, Sabado, 9:00 PM sa The Music Hall, METROWALK, Meralco Av, Pasig City.

Ang tiket ay P500.

Sa photo shoot last Sunday sa Studio A, walang saplot ang isang bikini hunk na nag-batibot sa tabi niya.