Kylie sinagpang ang labi ni Aljur

tonite-pak-allan-dionesNa-delay lang, pero naganap na rin sa wakas ang kasal nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica nu’ng Martes, December 11.
Ang ganda-gandang bride ni Kylie sa kanyang wedding gown na gawa ni Mak Tumang.

Dramatic ang effect nu’ng may pausok pag-entra ng bride sa wedding venue at habang lumalakad siya sa aisle. Gusto raw kasi ni Kylie na may drama ang entrance niya at nakuha naman niya ‘yon.

Sa nilakaran niyang aisle ay mababasa ang poem na sinulat ng poet at best-selling author na si Lang Leav para sa kanila ni Aljur. Mahilig sa mga tula si Kylie at maga­ling din siyang sumulat ng poem.

Gandara ang setup ng wedding venue na tinransform ni Gideon Hermosa para magmukhang romantic and magical ang Villa Milagros Events Venue sa Rodriguez, Rizal.

Siyempre, ang father of the bride na si Robin Padilla ang naghatid kay Kylie sa altar.

Ang sister ni Kylie na si Queenie ang matron of honor at ang isa pa niyang sister na si Zhen Zhen ang maid of honor. Dumating kasama nila ang mother ni Kylie na si Liezl Sicangco, pati na ang younger brother niyang si Ali na galing din ng Australia.

Best men ang brothers ni Aljur na sina Vin at Allen Abrenica.

Isa sa flower girls ang daughter nina Robin at Mariel Rodriguez na si Maria Isabella.

Millennial na millennial ang dating ni Robin, na habang nagaganap ang wedding ay naka-Instagram Live, so may pa-coverage ito ng kasal sa social media.

Ang tiyaga ni Binoe na kinunan ang mga ganap sa buong seremonya.

Pagkasabi ng pastor ng, “You may kiss the bride,” pang-angat na pag-angat ni Aljur ng belo ni Kylie ay agad siyang sinunggaban nito ng halik.

Kakaiba rin talaga si Kylie. Walang kiyeme sa gusto niyang gawin. Hindi ito nagpa-girl o nagpakipot pa, sinagpang nito agad ang labi ng mister niya at ang tagal nilang naghalikan.

Ang lakas ng tawa ni Robin sa ginawang ‘yon ng anak niya. Hanggang ngayon ay ­obvious na head over heels in love talaga si Kylie kay Aljur.

2 Linggo kinarir ang kasal

Nagpalit ng black lace gown si Kylie sa wedding reception kaya party mode na ito.

Ang saya ng bagong kasal, na panay ang tawa habang nakikinig sa mga nagsasalitang family and friends nila.

Kasama sa mga nag-perform ang rakistang fadir ni Aljur. Feel na feel nito ang pagkanta ng “Laki sa Layaw” ni Mike Hanopol.

Isa sa pinakamahabang nagbigay ng speech ay ang stepmom ni Kylie na si Mariel, na ang daming kuwento at tsika tungkol sa bagong kasal.

Kinongratuleyt ni Mariel ang dalawa, na pinlano raw ang wedding na ‘yon in less than a month. Habang nagsasalita si Mariel ay nag-join na sa mag-asawa ang anak nilang si Alas Joaquin.

Kinunan ni Robin sa IG ang mahabang speech na ‘yon ng asawa niya. Nang si Robin na ang magsasalita ay si Mariel naman ang humawak ng kamera.

After ng speech ni Robin ay nagsayaw sila ni Kylie. Panay ang yakapan nang mahigpit ng mag-ama habang nasa dance floor.

Sa speech ng groom, nabanggit ni Aljur na less than 2 weeks lang ang naging preparasyon nila sa wedding na ‘yon, na si Kylie raw lahat ang nag-asikaso at pinagrelaks lang siya nito.

Ang beautiful bride ay emotional sa speech nito. Sinabi ni Kylie na gusto niya talagang makasama ang pamilya niya na kumpleto sa okasyon na ‘yon.

Sobrang dream come true raw ito para sa kanya at sobra siyang pinasaya ng araw na ‘yon. Talaga raw kasing ‘yun ang gusto niyang mangyari na magsama-sama silang lahat, na pamilya niya at pamilya ni Aljur.

Napansin namin na iilan lang sa mga kaibigan nila sa showbiz ang dumalo sa #AljurKyliEpicAfter.

Sa mga kapatid ni Kylie na Sang’gre ng “Encantadia”, ang bukod tanging dumalo sa kasal niya ay si Gabbi Garcia, na escort ang boyfriend nitong si Khalil Ramos.

A few days before the wedding ay may tamis-tamisang post si Kylie sa IG. Ang sabi niya…

“My most favourite thing to watch is you and Alas playing. It is like being in heaven when I hear both of you laugh together. You gave me the greatest gift. I believe in God, I believe in all the good things in life because I have proof in front of me.

“Everyday, when I wake up, I know that you and Alas could not have come to me unless it was a miracle, a gift performed by a higher power. Because of all the pain, sorrow and heart ache the world suffers today, it is you, that single blessing that makes me believe, God has not abandoned me. God has saved me time and time again, by giving me you.”

Congrats and best wishes, Aljur & Kylie!!