Kyline, Bianca ‘ceasefire’ ang giyera

Kyline, Bianca ‘ceasefire’ ang giyera

Nilinaw ni Kyline Alcantara na tahimik na ang giyera nila ni Bianca Umali. Ipinaliwanag niya sa press conference ng bago niyang pelikula na naayos na nila ang dating hidwaan.

Aminado naman si Kyline na naging awkward ang relasyon nila ni Bianca nang pumutok ang isyu. Malinaw na napag-usapan na nila ito at nalaman na ang buong katotohanan.

Kapwa masaya na sina Kyline at Bianca sa kani-kanilang career. At ang dating ilangan moment nila sa isa’t isa ay nawala na.

Matindi rin ang dinanas ng aktres sa kamay ng mga fan ni Bianca.

Todo-todong pambu-bully mapa-online at mapa-live performance ang natamo niya noon. Aminado si Kyline na labis siyang nasaktan at nabastos pero ang importante ay natuto siya rito.

Sa ngayon ay abala ang aktres dahil malapit nang ipalabas ang solo movie niyang “Black Lipstick”. Palabas ito sa darating na October 9. (Ronaline Avecilla)