Kyline ‘di ikinulong sa CR ni Bianca

tonite-this-is-it-roldan-castroPinabulaanan ng kampo ni Kyline Alcantara na nag-away diumano sila ni Bianca Umali sa taping ng ‘Kambal, Karibal’. Hindi raw sila ‘yung na-blind item na ikinulong diumano ni Bianca si Kyline dahil sa selos kay Miguel Tanfelix. Wala raw talakan na nangyari.

“Paano na mangyayari ‘yan, e, everyday na kasama ang parents ni Kyline. Papayag ba sila na ganunin ang anak nila?” sey ng isang malapit sa young actress. ‘Di rin sumasagot si Kyline kahit may alingasngas na pinagselosan umano siya ni Bianca.

May mga alingasngas kasi na itinuturong si Kyline ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. Kung kailan malapit nang matapos ang ‘Kambal, Karibal’ saka naman may isyung selosan sa cast, huh! Talbog!

Sylvia isiniwalat ang karanasan sa ‘Barangay 143’

Kakaiba ang experience ni Sylvia Sanchez na ma­ging dubber siya sa isang anime series. Ayon sa Face of Beautederm, first time niya itong gawin at mahirap din. Hindi lang naman boses ang gagamitin kundi aarte rin.

‘Pag umiiyak ang boses niya, kailangang umiiyak din siya para lalong mabigyang buhay ito. Kumbaga, kasama ang puso at emosyon sa pagda-dub.

Boses ni Sylvia ang gagamitin sa karakter ni Tita Baby sa Barangay 143, ang first-ever Filipino Anime series na kung saan ay magkatuwang sa pagpoprodyus ang Synergy88, TV Asahi (Japan) at August Media Holdings (Singapore).

Mag-i-start ang Barangay 143 sa October sa GMA 7.

Kasama ni Sylvia sa mga dubber sina John Arcilla, Ruru Madrid, Julie Anne San Jose, Cheri Gil, Paolo Contis, Alice Dixson, Kelley Day, Migo Adacer at child actor na si Raver Eda.

Ang Barangay 143 ay isang feel-good coming of age na kuwento ng isang young Korean boy na dahil sa paghahanap sa kanyang ama ay nakarating siya sa Pilipinas.

Fans can enjoy Barangay 143 not just as a TV Series but digitally, in print and as consumer products. The Barangay 143 Street League mobile game is already available on the Google Play Store for Android and the iOS App Store. The narrative story within the mobile game leads to the suspense and drama that drives the story for the upcoming TV Series.
Pak!

Bonding sa ‘Rak of Aegis’

Speaking of Sylvia nakipag-bonding siya sa Beautederm Night sa musical play na ‘Rak of Aegis’ nu’ng Sunday sa PETA Theater. ­Masaya ang kaganapan sa pangunguna ng CEO at owner na si Rhea Anicoche Tan.

Makikita rin doon ang Beautederm family na sina Alma Concepcion, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Shyr Valdez, Maricel Morales, Bulacan Board Member Alex Castro with Sunshine Garcia (malaki na ang tiyan), Masbate Vice Gov. Kaye Revil, San Juan La Union Councilor Migz Magsaysay, Jana Ejercito.

Masaya si Ibyang dahil na-meet niya ang mga kapwa niya mga ambassador na politician na hindi pa niya nami-meet.

“Ang saya kasi dumarami na kami at ngayon nga ay nakikilala nila ang isa’t isa. Kasi gusto kong maging close kami siyempre as family,” deklara ni Ms. Rei.

Boom!

Cheska nakakagigil ang kaseksihan

Napukaw ni Cheska Vinas ang atensyon ng media sa nakaraang presscon ng Miss Global Philippines 2018. Nakakagigil kasi ang kaseksihan. Second placer siya bilang Darling of The Press. Kinatawan siya ng Marilao, Bulacan.

Ayon sa booklet ng naturang pageant. “She takes this opportunity to showcase beauty, intelligence and ability to inspire and aspire other women that everything can be achieved with drive and determination. She dreams to empower women who had been deprived of by this generation’s beauty standard and eradicate inequality in color and races in beauty pageants.”