Kyline ‘di type dyowain si Darren

Close friends sina Kyline Alcantara at ang “The Voice Kids” runner-up na si Darren Espanto.

Nagsimula ang kanilang friendship noong nasa Kapamilya network pa siya at nakasama sa production number.

From then, naging matalik na silang magkaibigan dahil pareho silang mahilig sa musika.

Gayunpaman, nilinaw niya na hindi nanligaw sa kanya ang magaling na biritero tulad ng napapabalita.

Kahit mag-boyfriend daw ay hindi niya priority dahil nakapokus siya sa kanyang career ngayon.

Taliwas din sa mga balita, idinenay din niya ang muling lumutang na isyung nagkamabutihan sila ng Kapuso actor na si Miguel Tanfelix.

Bagama’t aminado siyang minsan ay na-bash siya ng mga fan ng BiGuel (Bianca Umali at Miguel) dahil sa paratang na siya ang third party o panira sa dalawa.

Anyway, okay na raw sila ngayon at hindi siya apektado sa isyu dahil alam naman niya ang totoo sa sarili niya.

Happy na rin si Kyline dahil dumating na ang biggest break niya bilang lead star sa “Black Lipstick”. Inspired ito ng phenomenal ‘80s hit na “Blusang Itim” na palabas na sa Oktubre 9. (Archie Liao)