Kyline na-bully ng kapwa aktres

Kyline na-bully ng kapwa aktres

Isa si Kyline Alcantara sa bibida sa kauna-unahang pelikula na “Black Lipstick”.

Sa kanyang guesting sa isang entertainment portal, inamin niya na minsan na rin siyang binully ng kapwa artista. Maging sa showbiz industry pala ay nangyayari rin ang ganitong eksena.

Isinawalat ni Kyline na isang female personality ang dating nam-bully sa kanya. Mensahe niya rito, “Maraming salamat sa ginawa mo and you made me stronger as a person and as an artist.”

Inamin ni Kyline na hindi maiiwasan sa industriya ang bullying, kaya magsisilbi na lamang itong leksyon sa kanya.

Dagdag pa niya, magsimula nang maranasan niya ang pambu-bully sa female personality na ito ay hindi niya na ito nakausap.

Anytime naman ay handa ang aktres na makaharap ito. Kahit hindi pa ito humihingi ng tawad sa kanya ay taos puso niya na itong pinapatawad. (Ronaline Avecilla)