Kyline nagtanim na lang sa Bicol

NI: ROLDAN CASTRO

Magmula nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa bansa, kaniya-kaniyang paraan ng pagpapalipas oras ang ginagawa ngayon ng lahat sa kanilang tahanan.

Para sa Bilangin ang Bituin sa Langit star na si Kyline Alcantara, pagtatanim sa kanilang bakuran ang trip niyang gawin.

Sa Bicol nagpapalipas ng quarantine si Kyline na nahihilig din sa pagba-backyard farming “Katulad nga po ngayon, lockdown, hindi po natin kailangan maging dependent sa palengke at makatutulong pa po tayo sa ating mga frontliner dahil mas male-lessen pa po ang ating paglabas-labas,” deklara ng aktres.