Mahigpit na pinaiiral ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga checkpoint sa iba’t ibang lugar upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa lungsod.
Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, mas pinaigting nila ang mga checkpoint sa kanilang nasasakupan dahil gusto umano nilang masiguro na walang mangyayaring kaguluhan sa Metro Manila, partikular sa kanilang area of responsibility.
Kaugnay nito ay nilinaw ni Eleazar na kahit wala pa naman umano ang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao ay ginagawa na ng QCPD ang paglalatag ng checkpoint at dahil nasa state of emergency umano ang bansa dahil sa nangyayaring kaguluhan sa Marawi kaya mas lalo pa nilang pinaigting ito.
Idinagdag pa ng opisyal na bukod sa QCPD, kasama rin umano nila sa operasyon ang ilang hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at hindi narin umano ito bago dahil dati na rin umano itong ginagawa matapos na magbigay ang task force ng computation.
Bukod sa checkpoint, ay binabantayan din umano nila ang mga lugar kung saan may mga Muslim, dahil may mga impormasyon umano na posibleng pumunta ang mga rebelde para maghasik ng kaguluhan.