KZ ‘di sure kung aabot sa finals

TRENDING kahapon ang rakrakang performance ni KZ Tandingan sa March 9 episode ng Singer 2018 sa China.

Ang rock song na Real Gone ni Sheryl Crow mula sa animated movie na Cars ang binanatan ni KZ, na sa galing ay hindi mo mahahalatang first time niyang narinig ang kantang ‘yon at 3 days niya lang itong inaral.

Applauded ang high-energy performance ni KZ na rakistang-rakista nang tumugtog ng electric guitar, tapos sa bandang dulo ay nagawa niyang singitan ng Pinoy rap ang nasabing kanta, tulad ng ginawa niya last time sa Rolling in the Deep.

Ang dami na namang pumuri sa performance ni KZ, kahit kinapos ito para makapasok siya sa Top 4 ranking at nasa panlimang spot siya this week.

Walang natanggal sa 8th episode, na wala si Jessie J dahil maysakit ito at hindi nakapag-taping. Next week ulit ang tanggalan.

Ayon kay KZ na nakausap ng press nu’ng Lunes bago siya bumalik ng China, hindi porke mababa ang ranking mo sa show, ibig sabihin ay pangit ang performance mo.

Depende ‘yon sa hinahanap ng audience that night bilang ang studio audience na nag-iiba-iba every week ang bumoboto ayon sa panlasa nila.

Ang show ang nagde-decide kung anong cover song ang kakantahin nina KZ. May isang chance siya to sing an original song, na hinahanapan niya pa ng perfect timing kung kailan niya gagawin.

Bukod sa Mandarin language na talagang kinakarir niya ang pag-aaral, gustong kumanta ni KZ ng OPM song sa Singer 2018, gaya ng Anak ni Freddie Aguilar na may Mandarin at Cantonese version.

Puwede niya raw itong kantahin na pagsasama-samahin niya ang Chinese, English at Tagalog. Kaabang-abang ‘yon, in fairness.

Every two weeks may nai-eliminate sa show, so hindi niya sure kung aabot siya hanggang sa finals nito sa April.
Manalo o matalo man siya sa sikat na reali­ty singing competition sa China, ang tiniyak ni KZ ay tuloy ang major solo concert niya sa Araneta Coliseum sa June.

Pasiklaban ang ABS-CBN at GMA sa ratings

ABS-CBN pa rin ang numero unong network sa puso ng mga manonood noong Pebrero sa paghatid nito ng makabuluhang balita at aral matapos nitong magkamit ng average audience share na 46%, o 13 na puntos na lamang kumpara sa GMA na nakakuha lamang ng 33%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Mas tinutukan sa parehong urban at rural homes ang ABS-CBN sa buong bansa, partikular na sa Metro Manila kung saan nakakuha ito ng average audience share na 40%, at tinalo ang 28% ng GMA. Pinanonood din ang Kapamilya network sa Total Luzon, kung saan nakapagrehistro ito ng average audience share na 42%, laban sa 35% ng GMA; sa Total Visayas, kung saan nagkamit ito ng 56%, kumpara sa 27% ng GMA; at sa Total Mindanao, kung saan nakakuha ito ng 52%, at tinalo ang 31% ng GMA.

Gabi-gabi pa ring pinatuloy sa kabahayan ang kuwento ng kadakilaan ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ (41.2%) matapos nitong manguna sa national TV ratings buong buwan. Sinundan naman ito ng ‘Pilipinas Got Talent’ (39.6%) na linggo-linggong pinag-usapan dahil sa hatid nitong world-class performances.

Kinaantigan naman ang kuwento ng letter sen­ders sa ‘MMK’ (33.9%) na nagdala ng inspirasyon sa manonood. Patuloy namang tinututukan ang ‘TV Patrol’ (32.2%) para sa maiinit na balita at pagha­handog nito ng public service.
Kinapitan din buong buwan ang ‘La Luna Sangre’ (31.7%%) na naghandog ng matinding bakbakan sa inabangan nitong pagtatapos. Naghatid naman ng aral ang “Wansapantaym” (30.7%) na pinagbibida­han ng tambalan nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Pasok din sa listahan ang trending na pamamaalam ng ‘Wildflower’ (23.3%), ang Kapamilya comedy show na ‘Home Sweetie Home’ (23.3%), pati na rin ang pagbabalik telebisyon ni Erich Gonzales sa ‘The Blood Sisters’ (22.7%), at ang ‘Rated K’ (22.6%) sa pangunguna ni Korina Sanchez.

Samantala, ABS-CBN din ang nanguna sa lahat ng timeblocks noong Pebrero, patikular na sa primetime block (6 PM to 12 MN), kung saan nagkamit ito ng average audience share na 51%, o 20 na puntos na lamang kumpara sa GMA na may 31%. Ang primetime block ang pinakaimportante parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilpino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng advertisers ang mala­king parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers.

Pinanood din ang Kapamilya network sa mor­ning block (6AM to 12 NN), kung saan nagkamit ito ng 39%, laban sa 32% ng GMA; sa noontime block (12 NN to 3 PM), kung saan nakakuha ito ng 44%, kumpara sa 36% ng GMA; at sa afternoon block (3 PM to 6 PM), kung saan nagrehistro naman ito ng 42%, at tinalo ang 39% ng GMA.

WAGI pa rin ang GMA Network sa nationwide television ratings based on base sa data ng Nielsen TV Audience Measurement.

Sa buwan ng Pebrero (with February 18 to 28 based on overnight data), GMA remained the most watched TV station in the National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) with an average of 43.6 percent kumpara sa ABS-CBN’s 37.9 percent.

The Kapuso Network registered a solid 42.5 percent people audience share versus ABS-CBN’s 33.7 percent sa morning block sa NUTAM, GMA pa rin ang nanguna sa afternoon block with 48.4 percent kumpara sa katapat na 35.3 percent.
Sa Urban Luzon, GMA ang nagtala ng 49.1 percent kumpara sa rival network na 31.4 percent.

Likewise, in Mega Manila (with official data from February 1 to 24), the Kapuso Network remained undefeated with a 52.1 percent total day people audience share while ABS-CBN managed to get only 27.6 percent.

Pinakapanonood pa rin ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) .

Sumunod naman ang Magpakailanman; Kambal, Karibal; Pepito Manaloto; 24 Oras; Sherlock Jr.; All-Star Videoke; Daig Kayo ng Lola Ko; and Ika-6 na Utos.

Nasa listahan din ang Sirkus; The One That Got Away; The Stepdaughters; 24 Oras Weekend; Eat Bulaga; Tadhana; Impostora; Sunday Pinasaya; at Haplos.