SUPER sa pagka-trouper ni Jolina Magdangal.
Sa kabila ng kanyang pagkakasakit ay ariba pa rin siya sa pagho-host at pagkanta sa 25th Anniversary presentation ng Star Magic sa ASAP kahapon.
***
Nag-tone down na si Yeng Constatino sa pagpapakulay ng kanyang buhok pero nag-take over sa kanyang trono si KZ Tandingan sa kanyang colored braids.
***
No-show si Rhian Ramos sa presscon ng My Love From The Star kung saan kontrabida siya kay Jennylyn Mercado.
Tanggap na kaya ni Rhian na hindi na siya pambida at mas bagay siyang kontrabida, katulad ni Bianca King na ngayo’y OK na sa pagiging kontrabida sa Pusong Ligaw.
Ang mga mukha kasi nina Rhian at Bianca pati na rin ang kinasapitan ng buhay nila ay parang hindi pambida.
***
Hot na hot sina Jennylyn Mercado at Daniel Matsunaga sa recent event ng Avon sa SM Mall of Asia Arena.

MOULIN ROUGE ang tema ng intimate fashion show, kung saan nakakabighani ang alindog ni Jennylyn.
Ikaw na!
Walang iba!
Naging wild ang mga babae at beking fans sa pa-bukol ni Daniel.
Nakakadarang!
***
More practice pa kung gusto ng ASAP na may marating ang Coverboys.
Laos na ang ang kanilang pagli-lipsynch, hindi rin sila nagkakasabay-sabay sa dance moves.
Saan kaya sila pupulutin? Parang sina Jon Avila, Ron Morales at Victor Basa lang…
***
Tinapos na kahapon ang principal photography ng comeback film ni Direk Mike de Leon na Citizen Jake.
Dahil ginanahan, balak ng mahusay na direktor na gumawa ng isa pang pelikula tungkol sa buhay ng Pony Boys sa Baguio.