ITINANGGI agad-agad ni Rosanna Roces ang paratang na mistress siya ng VIP (Very Important Preso).
Binanggit kasi ang pangalan ni La Osang sa congressional hearing kung saan hinihimay at tinatalakay ang talamak na droga trade sa bilibid.
For the aid of legislation daw ang imbestigasyon at hindi para sirain ang reputasyon ni Senador Leila de Lima.
Speaking of Senador Leila, pakisabi sa kanyang mga staff at nawa’y makarating sa kanya, na cheap na cheap ang arrive of her “hugot lines” paandar.
Balik kay La Osang, sa social networking site niya, doon mababasa ang kanyang pahayag at paliwanag.
Wala na tayong dapat i-react pa dito dahil matanda na si La Osang at alam niyang makipaglaban at makipagbuno sa hamon ng buhay.
She knows how to slay her dragons. She is aware of her versions of truth.
***
Kung si Jake Ejercito, may haplos sa puso ang huli nitong post patungkol kay Ellie Eigenmann, ang nanay of the munting prinsesa eh defiant at tila nagmamataray ang mga payanig nito tungkol sa hindi matapus-tapos na paternity issue.
Dahil ayaw niyang magpaliwanag, ‘wag na nating uriratin pa ang dalagang ina.
Mukhang alam na alam niya ang mga diskarte sa totoong buhay kaya hayaan na natin siya in her own truths and make believe.
Nawa’y makatulong sa emotional health at well being ni Andi ang bago niyang quest.
With this defiant front, mas maging estrella sana ang kanyang karera.
***
Paandar ni Angel Locsin, third party ang dahilan kaya naghiwalay ang de kolor at puti nila ng isa niyang ex.
Bagong-bago ang dramaramang ito, huh?! Hindi masyadong halatang pampromo sa pelikula niyang The Third Party.
Tutal, you dangled na this chismis angle… sige, pangalanan mo kung sino ang mang-aagaw?
Hindi kaya convenient excuse mo lang ito, kasi, you don’t want to be blamed na may fault ka rin kaya nasira ang relasyon mo with Luis Manzano?
After all, it takes two to tango, right?