Mga laro ngayon: Mall of Asia Arena
4:00 p.m. — DLSU vs Adamson

Sino sa Soaring Falcons players ang pipi­gil sa pangangalabaw ni La Salle big man Ben Mbala?

Ito ang katanu­ngang masasagot sa pag­haharap ng Adamson at De La Salle sa umpisa ng semifinals ng Season LXXIX UAAP seniors men’s basketball tournament ngayong araw sa Mall of Asia Arena.

Nakopo ng Green Ar­chers ang No. 1 spot pagkatapos ng 14-game elimination round matapos panain ang 13-1 karta habang sumemplang sa No. 4 ang Soaring Falcons nang matalo sila sa kanilang huling laro kontra Ateneo.

Liyamado nang husto ang De La Salle mamayang alas-kuwatro ng hapon dahil bukod sa kanilang line up ay tangan pa nila ang twice-to-beat advantage.

Dalawang beses tinuhog ng Green Archers ang ­Falcons sa elimination.

Pero asahang magi­ging palaban ang Adamson na pumasok sa Final Four matapos ang limang taon.

“It’s gonna be exci­ting,” saad ni Adamson coach Franz Pumaren.

Itatapat ng Falcons si Papi Sarr sa bagong hirang na MVP na si Mbala.

May ipinagmamala­king average na 19.5 points at 13.5 rebounds si Sarr habang si ­Mbala ay may 20.6 points, 16.2 rebounds, 2.4 blocks, 1.4 steals at 1.2 assists.