Aasintahin ng De La Salle ang pangalawang sunod na women’s title sa siklab ng UAAP Season 79 beach volleyball bukas sa Sands SM By The Bay.
Sa rematch ng finals ng nakaraang season, mabibinyagan agad ang Lady Spikers pair nina Desiree Cheng at Tin Tiamzon laban kina Bernadeth Pons at Kyla Atienza ng FEU alas-otso ng umaga. Sa alas-dose ng tanghali ay babalik ang Lady Spikers para harapin sina Diana Carlos at Arielle Estranero ng UP.
Ipaparada ng UST sina battle-tested Cherry Rondina at new partner Jem Gutierrez, balik si Michelle Morente sa Ateneo katambal si Ria Lo.
Faceoff ang Tigresses at Lady Eagles ng 8:30 a.m., sunod ang UP-Adamson match ng 9:00 a.m. at NU-UE sa 9:30 a.m.
Banggaan ang Lady Eagles at Lady Bulldogs ng 12:30 p.m., Lady Tams at Lady Falcons ng 1:00 p.m., Tigresses vs. Lady Warriors ng 1:30 p.m.