Mga laro sa ngayon:
Mall of Asia Arena
2:00 p.m. — NU vs UE
4:00 p.m. — DLSU vs FEU

Nagkaroon ng girian ang title favorite De La Salle at defending champion Far Eastern University sa tuneup game nila noong nakaraang buwan.

Hindi natapos ang kanilang laro, itinigil ito dahil nagkakainitan na ang mga players at maging ang bench.

Kaya naman inaabangan ng mga fans at kanilang paghaharap sa LXXIX season ng UAAP men’s basketball tournament.

Ngayong araw, magsasalpukan ang Green Archers at Tamaraws sa alas-kuwatro ng hapon sa Mall of Asia Arena para ilabas ang kanilang nabi­ting init sa laro.

Maugong ang pa­ngalan ni big man Ben Mbala dahil sa kanyang halimaw na laro sa loob ng court kaya naman lahat ng coach ng bawat koponan ay nagkasundong team-to-beat ang La Salle.

“Maraming expectations sa team namin,but pressure opens up opportunities,” wika ni DLSU head coach ­Al­d­in Ayo.

Maraming nalagas sa players ng Far Eastern dahil tapos na ang kanilang playing years, pero may talim pa rin ang kanilang sungay ay kaya pa rin nilang depensahan ang kanilang titulo.

Malupit na armas ng Tamaraws si guard Monbert Arong na puwedeng makalusot sa mga depensa dahil sa kanyang bilis.

Magkikita naman sa unang laro ang Nationa­l University Bulldogs at University of the East Red Warriors (2 p.m.).

One Response