Sumumpit ng pinagsamang 26 puntos sina Marc Andrew Carganilla at Rod Ethan Alian para ibandera ng La Salle Greenhills-A ang 56-44 panalo laban sa Ateneo de Manila at angkinin ang titulo sa Small Basketeers Philippines ng Best Center’s twin tournaments para sa mga kabataan noong Linggo sa Jacinto Tiu competition court sa Xavier School.

Tumipa si Carganilla ng 14 points habang may 12 puntos si Alian para sa Greenies na inuwi ang hinahangad na SBP trophy sa tournament na i­norganisa ng pioneering Basketball Efficiency and Scientific Training Center at inisponsoran ng Milo at Chris Sports at Rain or Shine.

Napunta sa San Beda College-Rizal ang third place trophy.

Samantala, binigo ng Adamson University ang asam ng La Salle Greenhills na double celebration matapos ibabawan ng Baby Falcons ang Greenies, 64-57 at hablutin ang Passerelle crown.