Mainit na binalatan ng De La Salle University ang title defense nang ilampaso ang UP 19-1 sa umpisa ng UAAP Season 79 baseball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium nitong Linggo.

Nagpakitang-gilas sa batting ang Green Batters, tinapos ang Fighting Maroons sa loob lang ng seven innings.

Pinakamatikas sa mga taga-Taft si Tuwi Park na gumatilyo ng three-run homer.

Nilista ng Ateneo ang abbreviated 12-2 victory laban sa UST at pinayuko ng NU ang Adamson 7-5.

Sa softball, maaga ring nagparamdam ang UP nang kubabawan ang UE 11-5 bago naungusan ang Ateneo 6-5 kahapon.

Sa solo homer ni MJ Abanes sa first inning ay naligtasan ng Lady Maroons ang late rally ng Lady Eagles.

Nahirapan ang reigning six-time champion Adamson pero nagawa pa ring ipagpag ang NU 6-5 sa extra innings, naligtasan ng Lady Warriors ang DLSU 5-4.

Tabla ang Lady Bulldogs at Lady Warriors sa 1-1, natikman ng Lady Archers at Lady Eagles ang ikalawang sunod na talo.