Dalawang seasons naman ang inantay ng Green Archers bago bumalik ang korona sa kanila.

Hinablot ng La Salle ang 9th UAAP title matapos nilang tapusin sa Game 2 ang mahigpit na karibal, Ateneo Blue Eagles.

Ibang ruta ang dinaa­nan ng Green Archers.

Kung umalog ng bahagya ang tuhod ng Red Lions dahil sa mga lubak na dinaanan ay patag na patag ang nilakaran ng Green Archers kahit natisod sa kanilang asam na 14-game sweep.

Tinuldukan ng Blue Eagles ang 12-game winning streak ng La Salle pero hindi nawala ang kumpiyansa ng Taft-based squad, nanatili pa rin silang outstanding favorite para sa korona.

Pinakinabangan ng DLSU si King Archer Jeron Teng bago sila iwa­nan nito at maglaro sa mas malakas na liga.

Tinanghal na Finals MVP si Teng matapos ilista ang season-high 28 points sa kanyang huling laro sa UAAP.

Pighati ng mga defending champions – hindi nabigyan ng pagkaka­taon ang Letran Knights ­at Far Eastern Tamaraws ­na depensahan ang kanilang korona ­matapos mabigo na makalaro sa Finals.

Yumuko ang Tamaraws sa Ateneo sa Game 3 ng kanilang semifinals duel.

Mas masaklap ang kapalaran ng Knights dahil hindi man lang sila nakapasok sa Final Four.

Kahit may nanalo at natalo, iisa pa rin ang nasa kukote ng mga teams, ang maghanda para sa susunod na season upang makamit ang kanilang minimithing korona.