La, Tim takot sa kalawang

LA, TIM TAKOT SA KALAWANG

Kalawang ang ­pinakamalaking problema ng ­Ginebra sa paghahanda para mabawi ang korona ng PBA Governors Cup.

Absent noong nakaraang taon, balik sa Finals ang Gin Kings tapos kalusin ang NorthPort 3-1 sa best-of-five semis. Pero Disyembre 20 pa sila huling lumaro, 16 na araw ang pagitan bago ang siklab ng race-to-four championship round sa Enero 7 sa Smart Araneta Coliseum.

Makakatapat nila sa titular showdown ang Meralco, biniktima ng Gin Kings para itaas ang ­back-to-back titles ng season-ending tournament noong 2016 at 2017.

Sa higit dalawang linggong Christmas break, hindi nag-ho­liday ang Gins.
“Four days practice, one-day off, four days practice,” ang suma ni coach Tim Cone.

Umaga nang Disyembre 24 ay nagpraktis pa ang Ginebra bago nagkaroon ng dalawang araw na pahinga para sa Pasko.

Balik ulit sa court tapos ng ­Disyembre 25, huling nag-ensayo ang crowd favorites noong ­Disyembre 29 bago pinagpahinga ulit ni Cone ng tatlong araw para sa New Year.

Sinuot na naman nila ang practice gears ng Enero 1.

“From there, ­tuloy-tuloy na kami mag-ensayo,” ani LA Tenorio, isa rin sa aligaga sa panganga­lawang ng Gins.

Mahirap aniya ­kalawangin sa ­Finals, lalo’t isa o dalawang araw lang ang pagitan ng mga laro.

Determinado naman ang Ginebra na magpagpag agad iyon. (Vladi Eduarte)