Laban ng lahi, ano po ito?

ramil-cruz-turning-point

Nakatakdang isilang sa ating bansa sa papasok na buwan ang 1 unit run o platoon run na tatawaging 1st Laban ng Lahi Global 18K Team Run Challenge 2018 sa Disyembre 16-18 sa Zarraga, Iloilo.

Ayon kay LNL founder/organizer ­Joenel Pogoy, hindi lang ito basta takbuhan, kundi tourism-for-a-cause at semi-advocacy Philippine-based global competition event din.

Misyong maipakilala rito ang mga lalawigan sa bansa, ang magandang kultura ng mga Pilipino sa kabila ng mga dumaraang kalamidad, kaya ang Igorot platoon na 1 sa kakarera rito’y gagamit ng kasuotan nilang bahag para maibanda ang kariktan ng mga kababaihan at tikas ng kalalakihan nila.

Semi-advocacy pro­ject din ito dahil hinihikayat lahat ng grupo na sumali sa pandaigdigang paligsahang sa ngalan ng kapayapaan at pagkakaisa. Kaya maaaring bumahagi ang MILF, MNLF at CPP-NPA. Maging ang LGBT at womens group, corporate companies at university/college students.

Nais ding makatulong nito sa matagal nang problema ng kahirapan at kagutuman ng marami nating mga kababayan kaya kabilang na mabebenepisyuhan nito ang “itikan love project,” Marawi rehabilitation contribution, road concreting project at franchising business project na aasikasuhin agad tapos ng running competition.

Kabilang sa sasabak sa arangkadahan ang may 33-katao na Cordillera Hunters na pangungunahan nina team manager Hazael Dangadang, 41, at ­assistant team manager Jessice Pitas, 38.

At ng mga kaka­ripas na sina Donato Wanawan, 54; Ricky Polilen, 47; Felizardo Pabito, Jr., 46; Novena Menci Manacnes, 43; Rodolfo Roxas, 43; Julio Daluyen, 42; Bryan Bangan, 41; Richard Kinnud, 40; Marissa Cayowet, 39; Aldrino Dao-Anis, 39; Daisylyn Buliyat, 38; Maria Cecilia Kiswa, 36; Edward Magalgalit, 34; Arabella Aiza Weygan, 33; Elizabeth Dangadang, 29; Mike At-Ip, 27; Angelo Joy Ricamara, 27; Moshe Dacmeg, 26; Ronel Ventura, 26; Ruth Ann Buela, 24; Juda Priest Cheng, 24; Wisly Marquez, 21; Ypril Mark Manzano, 20; Shorim Sam Delos Reyes Casimero, 18; Darren Slade Erico, 18; Febrames Manzano, 18; Alexandra Palma, 14; Farah Dangadang, 14; Lahainah Digermo, 14; Samantha Jaeden Fernandez, 13; at Gyanne Thessaly Oabel, 13.

Maganda ang layunin ng patakbong ito na suportado ng ating 8-time world professional boxing champ, Sen. Emmanuel Pacquiao.

Pero sana lang po maipatupad ang mga plano pagkaraan ng hagibisan.

***

Pakisubaybayan po ninyo kami ni United Continents Philippines 2017 winner, bes Sara Jireh C. Asido ng Bulacan sa mas pinasaya’t pinagandang “Abante Sportalakan.” Paki-like, follow at subscribe niyo po kami sa FB: Abante News Online, sa FB: Abante Tonite. Sa IG: abante_tnt, sa Twitter: @AbanteNews, at sa YouTube: Abante Tonite.

Nagpapasalamat din po ang inyong lingkod sa mga kasamahan po namin sa “Abante Sportalakan” sa pangunguna ng ­aming mga boss na sina President Renato ‘Rey’ Marfil at General Manager Gil Cabacu­ngan, Jr.
At sina Enjelberto Manato, Ferdinand delos Santos, Edil Guanzon, Jr., Maurice Manabal, Sarah Rivere, Jobelle Macayan, Alec Paolo Ventocilla, Sherwin Paul Apostol, ­Chrisha Enriquez, Patrick Adalin, ­Andrea Bautista at Tresni ­Pilapil.