Babasagin agad nina Charly Suarez at Ian Lariba ang pakikipagbakbakan ng 13 Filipino athletes sa pagputok ng hostilidad ngayong araw ng 31st Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.
Kagabi ang makulay na opening ceremonies ng Games.
Hindi na sumama sa opening ceremony at sa parade ang senior member ng national team na si Suarez, 27, para preserbahin ang lakas sa pakikipag-upakan Sabado ng ala-sais ng gabi (ala-singko ng umaga ng Linggo, Manila time) kay reigning European champion Joseph Cordina ng Britain sa men’s lightweight o 60-kg. division. Three wins ang kailangan ni Suarez para maksiguro ng bronze medal.
Hindi naman nangarag si Ian Lariba sa biglaang pagbabago ng unang makakahambalusan, si Han Xing ng Congo sa halip na si Adriana Diaz ng Pueto Rico sa table tennis women’s singles dahil sa reshuffle ng draw. Suki na ni Lariba na kapraktisan ang world No. 125 na si Xing.
Maaaring suntok sa buwan, pero dala ang bandera ng Pilipinas ay bigay lahat ang PHL 13 sa misyong tapusin ang 92 taong tagtuyot sa gold ng bansa at dalawang dekada sa kahit anong kulay ng medalya pagkatapos maka-silver ni Onyok Velasco sa light flyweight ng boxing noong 1996 Atlanta.
Buong Pilipinas ay magtsi-cheer sa likod ng PHL 13 na kinabibilangan nina light-flyw Rogen Ladon, marathoner Mary Joy Tabal, long jumper Marestella Torres-Sunang at hurdler Eric Shauwn Cray ng track and field, swimmers Jasmine Alkhaldi at Jessie Khing Lacuna, weightlifters Hidilyn Diaz at Nestor Colonia, Kirstie Elaine Alora ng taekwondo, Luis Miguel Tabuena ng golf, at last-minute entry Kodo Nakano ng judo.