LABAN, PILIPINAS!

Umasinta si Amaya Paz-Cojuangco sa bronze medal match ng mixed compound event ng 29th SEAG kahapon sa Merdeka Square sa Kuala Lumpur. Natalo ang Filipinos sa Vietnam 159-155, at naiyak si Paz-Cojuangco dahil sa apat na SEAG stints ay ngayon lang nabokya sa medalya. (PSC-POC Media Group)

Mga laro ngayon:
6:00 a.m. — Marathon Men’s Jeson Agravante
Women’s Mary Joy Tabal
10:00 a.m. – Rugby Football Women’s Philippines vs. Thailand
Philippines vs. Laos
Philippines vs. Singapore
11:00 a.m. — Men’s Philippines vs. Indonesia
Philippines vs. Cambodia
Philippines vs. Malaysia
10:30 a.m. — Netball (Semifinals)

KUALA LUMPUR — Mailap pa rin ang first gold medal para sa Team Philippines sa pagtiklop kagabi ng tatlong araw na aksiyon sa iba’t ibang playing venue ng 29th Southeast Asian Games.

Ngayong alas-8:30 ng gabi ang formal opening ceremonies ng Games sa Bukit Jalil National Stadium sa kabisera ng Malaysia rito.

Prediksiyon ni chief of mission Cynthia Carrion, 50 gold ang aanihin ng Pilipinas – sapat para umangat mula sa sixth place finish noong 2015 edition sa Singapore.

Ang mga umaasang kababayan, pati na ang mga atletang magsisimulang makipagpukpukan ngayong araw, iisa ang sigaw: Laban, Pilipinas!

Pagkaraan ng kabuuang limang araw ng events sa aquatics – women’s­ synchronized swimming, men’s and women’s open water swimming, at sa mixed team compound archery kahapon, tengga pa rin ang mga Pinoy sa 1 silver at 2 bronze medals sa 11-country, 12-day biennial meet.

Bigo sa bronze match sina archers Paul Marton dela Cruz at Amaya Paz-Cojuangco kontra Vietnam 155-159, sa Merdeka Square.

Naiyak si Paz-Cojuangco pagkatapos, dahil sa apat na sabak sa SEAG ay ngayon lang siya nabokya sa medalya.

Mas naunang natagpas ang tatlo pang pares ng pambato ng World Archery Philippines, Inc. Gold-silver medalists ang host country, Burmese at Vietnamese.

Sila’y sina Abbigail Tindigan, Jennifer Chan at Kim Concepcion at ang mga pumareha sa kanilang sina Earl Benjamin Yap, Niron Brylle Concepcion at Joseph Benjamin Vicencio.

Eighth placer lang si Erika Lukang at ninth si Melissa Courtney sa women’s 10K finals open water swim sa Water Sports Complex sa Putra Jaya. 1-2-3 ang Malaysian, Thai at Singaporean.

Hindi natapos nina Roy Canete at Mico Anota sa men’s division na ang ginto-pilak-tanso’y mga napasakamay ng Malay, Thai at Indonesian.

Pumampito lang sina Ruth Desiree Abiera at Allysa Salvador sa women’s duet synchronized swim sa clocking na 15:15 na rito’y uno-dos-tres ang Singapore, Malaysia at Indonesia.

Tuloy ang pagkakalat ng Filipinas sa netball sa pagtaob sa hosts team, 11-96, sa Juara Stadium.

Ipagpapatuloy mamaya ni lady ma­rathoner Mary Joy Tabal ang paghaha­gilap ng Pilipinas sa ginto kasama si Jeson Agravante sa men’s marathon.