Labanan sa Senado at Kamara

Kaye Dacer

Ngayong tapos na ang eleksiyon at naproklama na ang lahat ng nanalo ay ang isyu naman sa uupong pinuno ng Kamara at Senado ang sunod na usapin.

Sa Senado ay puntirya pa rin ng kasalukuyang Se­nate President na si Tito Sotto ang liderato.

Sa Kamara naman ay maraming pangalan ang lumulutang. Nariyan sina dating Foreig­n Affairs Sec. at ngayo’y Taguig Rep. Alan Caye­tano, Leyte Rep. Martin Romualdez, Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez at Marinduque Rep Lord Allan Velasco.

Sabi malapit sa mga Duterte itong si Velasco pero bakit sa sobrang lapit ay hindi man lamang nito naia­ngat sa top 5 ang mga pambato ng administrasyon sa Marinduque?

Maiintindihan natin na number 1 si Bong Go sa Davao na lugar ni Alvarez dahil taga doon din siya. Pero bakit number 3 si Go sa Tacloban na lugar ng mga Romualdez at number 3 sa Taguig na lugar naman ng mga Caye­tano?
Mapapaisip ka tuloy kung kaya bang suportahan at itawid ni Velasco ang legislative agenda ni Duterte sa Kongreso sa kanyang naging galaw nitong nakaraang eleksiyon.

Maging matalino sana ang mga mambabatas dahil tatlong taon na lang ang nalalabi sa administrasyong Duterte pero marami pang mga panukalang batas na kasama sa campaign promise ng Pangulo ang dapat bigyang atensyon.

Pag-isipang dapat mabuti ng mga mambabatas kung sino ang tunay na
nararapat iluklok bilang speaker of the house na tunay na magtataguyod at ipaglalaban ang nalalabi pang legis­lative agenda ni Digong.