Labang pampamilya, exciting – Pumaren

Labang pampamilya, exciting - Pumaren

Mga laro ngayon:
(Paco Arena,Manila)
1 pm – Diliman College vs Builders-UST
3 pm – ADG Dong-Mapua vs Marinerong Pilipino
5 pm – EcoOil-La Salle vs Karate Kid-CEU

Haharapin ni coach Derrick Pumaren ang dati niyang team na Karate Kid-CEU sa main game ng triple-header ng D-League Aspirants Cup mamaya sa Paco Arena.

Bago lumipat ng La Salle, si Pumaren ang nagtimon sa Scorpions.
Ngayon ay nasa kabilang dulo na siya ng bench.

“It’s like playing against family,” aniya sa bisperas ng bakbakan. “It will be exciting.”

Noong nakaraang linggo, tagumpay na giniyahan ni Pumaren ang EcoOil-La Salle sa 102-90 panalo kontra NCAA champion Wangs-Letran.

Sa second game, bakbakan ang da­ting magkasanggang sina Yong Garcia at Randy Alcantara na matagal-tagal ding nagsama sa sideline ng Mapua.

Ngayon ay si Garcia na ang coach ng Marinerong Pilipino, si Alcantara naman sa Cardinals.

Banggaan ang dalawa sa second game.

Dinomina ng Skippers ang CEU 93-57 sa opening day ng torneo noong Lunes.
Inaasahan ng Mari­nero na mabibigyan na ng clearance para maglaro si Jamie Malonzo para muling maki­pagtambalan sa magkapatid na Juan at Javi Gomez de Liano. (VE)