Dalawang tama ng punglo sa bungo ang agad tumapos sa buhay ng isang 31-anyos na binata na umano’y labas pasok sa rehabilitasyon makaraang barilin ito ng ri-ding in tandem criminals sa Quezon City kamakalawa ng gabi.
Nakikilala ang nasa-wing biktima na si Jem Rustan Acio y Maco, ng No. 653 JP Rizal St., Brgy. Bagong Silangan Quezon City.
Ayon kay PO3 Jogene Hernandez, ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU) pawang mga nakasuot ng helmet at itim na jacket ang mga suspek kaya walang nakakita sa mukha ng mga ito.
Sa imbestigasyon, alas-9:15 kagabi ng mangyari ang insidente sa harap ng isang tinda-han (EIVAN) na matatagpuan sa JP.Rizal Street.
Nakita umanong papatawid ang biktima sa kabilang kalye makaraang bumili ng junk food sa tindahan nang sumulpot ang motorsiklo ng mga suspek at dalawang beses na binaril sa ulo ang biktima at sinundan pa ng pangatlo sa balikat.
Hinihinalang may kinalaman sa iligal na droga ang motibo ng krimen dahil base sa pag-amin ng tiyahin ng biktima na si Evelyn Acio ay dalawang beses nang napasok sa drug rehabilitation center ang biktima.
Patuloy parin ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.
NICE & GOOD MOVE…..PMA KA NA FOREVER….HAHAHA